Chapter 92

75 11 17
                                    

GENERAL

Buong maghapon na wala si resia sa bahay nina alicia. Hindi na kasi siya tinigilan nina lorelei at lorraine sa katatadtad ng message sa kaniya. Obviously, they need her in the senate hearing for that day.

"Napaka aga nyo naman ako i-message. Tulog pa si ali nang iwan ko sa bahay nila." Saad ni resia habang nilalapag niya ang kape sa table. Nasa pantry sila ngayon ng senado. It's eight o'clock in the morning, wala pa rin siyang maayos na tulog dahil hindi niya magawang tulugan ang fiancee niya, may sakit kasi si alicia. She's worried about her, lalo pa at hindi pwede na basta na lamang ito uminom ng gamot dahil buntis sya.

"Hearing ni Shamara ngayon, diba?" It was lorraine. Oo nga pala, nakalimutan na niya na may hearing pa siyang aasikasuhin ngayong araw.

"Gosh. I forgot." Pag amin niya at napa face palm na lamang siya.

"Hindi ko pa nababasa yung mga papers na naiuwi ko. I can't focus knowing my ali is sick." Saad niya at uminom muli ng kape.

"What happened to her?" Tanong naman ni lorelei habang nakatitig sa kaniya.

"Nilalagnat. Inubos kahapon yung isang pint ng ice cream, and after that she ate leche flan. And yesterday's afternoon, noong umulan hinila ba naman ako sa labas dahil gusto niyang maligo sa ulan." Naiiling niyang saad at napabuntong hininga na lamang.

Natatawa na lang sa kaniya ang mga kaibigan niya at tinapik siya sa balikat, "she's pregnant, resia. Huwag mo na kontrahin si ali." Sabi ni lorraine sa kaniya.

"I know. Mas mahirap kalabanin ang buntis." Sabi niya at sumimsim muli ng kape.

Sa gitna ng pag uusap nilamg tatlo tungkol sa mga iba't ibang kaso bukod sa kaso ni shamara ay na interrupt yon nang mag ring ang phone ni resia.

Kaya napatingin sa kaniya ang dalawa, sumenyas naman ang mga ito na saguyin na niya ang call.

"Hello?" Bungad niya pagkasagot niya rito.

"Love, bakit wala ka dito?" Si alicia. Napakagat na lang siya ng kaniyang labi dahil mukhang kagigising nito at hindi yata maganda ang umaga ng fiancee niya. Mukhang may topak na naman ito.

"I'm with Lorelei at Lorraine, amore mio. Uuwi rin ako after our meeting." Palipat lipat ang tingin niya sa dalawa kaya nagtataka ang mga ito. Hindi naman kasi naka loudspeaker si resia para marinig nila ang usapan ng dalawa.

"Bilisan n'yo mag meeting tapos uwi ka na. Sabi kong huwag kang aalis kapag tulog pa ako eh!" She heard her sobbing kaya naman naalarma na siya.

"amore ko," she used her lambing voice para naman kahit paano ay kumalma si alicia mula sa kabila. Gusto matawa ng dalawa sa kaniya ngunit mukhang nakikita na nila ang kanilang mga sarili kapag ang mga fiancee naman nila ang nasa ganoong sitwasyon.

Nakakatanggal pala talaga ng angas.

This time, ni-loud speaker niya ang phone niya ngunit bahagya niyang hininaan ang volume nito. Sapat na para marinig nilang tatlo.

"Ewan ko sa'yo! Yan naman lagi kong sinasabi eh. Don't leave me while I'm sleeping! Nakakainis ka! Hiwalayan mo na nga ako!" Alicia. Tawang tawa naman ang mga kaibigan niya ngunit pinipigilan iyon dahil ayaw nilang madamay sa init ng ulo nito.

"Anong gusto mong food?" biglang tanong ni resia dito.

"Hawaiian pizza po." Alicia said.

Maging si resia ay nagpigil ng sariling tawa dahil mula sa pagiging dragon nito kanina ay agad na sumagot kung ano ang gusto nitong pagkain.

"Sige na, I'm going home. Please wait me, okay?" Resia.

"Okay. Please hanap kang spaghetti rin, pero galing sa lamay."

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon