Chapter 78

88 7 21
                                    

GENERAL

Pagkakita pa lang ni alicia sa kaniyang kasintahan ay agad niya itong tinawag.

"Love," tawag niya pero wala itong response. Nanginginig man siya ay hinawakan nya ito sa kamay.

Takot siya sa dugo. Pakiramdam nga niya ay namumutla na siya. Pero sa kalagayan ni resia? Tila nagkaroon siya ng lakas ng loob.

Pinaalis na sana siya ng mga doctor pero humingi muna sya ng ilang minuto para kay resia ngunit pina alis pa rin siya ng mga ito para ma check na si resia.

Lutang siya habang nag iisip kung kumusta na ba ang girlfriend nya sa loob ng emergency room. Bahagya rin mugto ang mga mata niya.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor kaya naman agad niya itong nilapitan.

"Is she okay, doc? Malala po ba nangyari sa kanya?" Hindi maiwasan na magtubig ang kaniyang mga mata.

"Mamamatay po ba yung girlfriend ko?" Habol pa niya rito.

Umiling naman sa kanya ang doctor habang nagpipigil ito ng ngiti.

"She will not die, Ms. Gomez. Pero mukhang ilang araw makakatulog si senator Resia. It's because of her impact sa car niya." Sagot ng doctor sa kanya.

"Sa ngayon, may benda siya sa kaniyang ulo. Medyo malalim ang natamo niyang sugat. You can visit her now." Saad ng doctor sa kaniya kaya naman nagpasalamat sya rito at tumungo na sa kwarto kung nasaan na ang girlfriend nya.

Pinuntahan naman nya si resia na nakahiga sa bed at nakapikit pa rin ito.

Agad niya ito ulit nilapitan at bumuntong hininga sya.

"Sana di mo na lang pala ako hinatid kung ganito sasapitin mo eh." Saad niya at inabot niya ang kamay nito.

"Pag ikaw gumising na hindi mo ko kilala, baka sakalin pa kita hanggang mag violet ka." Pag susungit niya rito.

Hindi man niya ipahalata pero nag aalala siya sa kalagayan ng kasintahan.

"Gising ka kaagad, love. Mapapraning ako kapag tumagal yang tulog mo." Hirit pa niya at yumuko sya sa gilid ng bed nito at pumikit siya. Tahimik rin siya humikbi, tila pinipiga ang puso nya dahil sa kalagayan ni resia.

Natapos na ang kaniyang pag hikbi pagkalipas ng ilang minuto. Hanggang sa may dumating at iyon sina lorelei at si lorraine. Agad nilang niyakap si alicia pagkakita nila dito.

"What happened to her, dear?" tanong ni lorraine habang pinupunasan ang luha ni alicia na nagkalat sa pisngi nito.

"Sumadsad sya sa isang malaking puno, tapos ayan yung ulo niya ang natamaan." Sagot niya habang pinupunasan ang sariling luha at hinawi ang kaniyang buhok.

"Maraming media sa labas, nakausap mo na ba?" Tanong ni lorelei na agad ikinailing ni alicia. "Tama. Wag mo muna sila intindihin. Mas kailangan ka ni resia dito ngayon." Sagot din ni lorelei dito.

"Sabi ng isang police sa labas, parang sinadya na banggain ang sasakyan ni resia." Napalingon si alicia sa sinabi ni lorraine na yon at napakunot noo siya.

"Sino naman gagawa noon sa kaniya?" Mahina niyang tanong at naupo sa isang chair malapit sa bed ni resia. Hawak pa rin niya ang kamay nito.

"We never know who did that, maraming may galit kay resia ngayon dahil sa POGO. Baka dahil doon kaya buhay nya naman ang pinagbabantaan." Sabi naman ni lorelei at umupo sa isang couch.

Mukhang may hint na si alicia, napakagat na lamang siya sa kaniyang labi. Baka kasi mali ang naiisip niya.

"Hindi kaya sina roven at si shernon?" Tanong ni lorraine sa kanila at nagkatinginan silang tatlo. Napabuntong hininga na lamang si alicia at nagkibit balikat. Sila din kasi ang naiisip ni alicia kanina pa.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon