Chapter 77

255 13 27
                                    

ALICIANNA's POV

Inaasikaso ko dapat ngayon ang pagbabalik ko bilang mayor, pero hindi ko na muna tinuloy. Nakita ko naman na maayos ang pamamalakad ng aking vice mayor sa bayan namin. And I am lucky because he is my vice mayor and the acting mayor for now. At alam ko naman na ginagawa niya ang makakaya nya para sa aming bayan.

Sa susunod na election na lamang ako tatakbo. Sa ngayon, mas gusto ko muna ienjoy ang buhay ko na sarili ko muna ang iniisip ko.

Isa pa, wala na ulit kami ni theresiannie.

Yes.

We broke up two weeks ago.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

Nagsabi na lamang ako sa kaniya na we should stop our relationship. Parang may narealize kasi ako, na bakit bumalik pa ako sa kaniya? Bakit ko pa sya binalikan? Nagawa na nya akong saktan noong una, imposibleng hindi niya ako masaktan ngayon.

Iniisip ko nga baka nilo-love bomb lang ako nito ngayon. Tapos sa huli, iiwan rin naman ako. Masasaktan na naman ako.

And honestly, sinubukan kong ibalik ang tiwala ko sa kaniya. Pero alam mo yun, kahit na anong pilit pala... hindi pa rin sasapat kasi alam kong may lamat na.

Maybe we look so happy and contented, pero bakit may kulang pa rin?

Bakit parang napilitan lang ako na balikan sya?

"Natulala na naman sya." Theresiannie. "Yung arozcaldo mo, malamig na." Habol pa nya.

Hehehe joke lang. We're okay. Nagdrama lang talaga ako. Kasalanan ng panahon to, gloomy eh. Nadamay yung mood ko, nakakasenti.

"Nagdadrama lang ako sa isip ko, kunwari hiwalay na tayo ulit." Saad ko sa kanya kaya nag glare sya sa akin.

Tumawa na lang ako kasi napikon ko na naman sya. Ewan ko, tuwang tuwa ako kapag inaasar ko siya. Ang cute kase eh. Tila kamatis na namumula.

"Hahahaha! Cute mo talaga inisin, love. Joke lang, of course! Babalikan ba kita kung hindi na kita mahal? Dapat nga ikas maghabol sa akin kasi ako nakipag divorce sayo..." I said to her hanggang sa may narealize na talaga ako.

Totoo na to this time!!

Napa halukipkip ako habang nakatitig sa kaniya.

"Hoy oo nga. Bakit kita binalikan e ako nakipag hiwalay sayo?" Sabi ko habang nakakunot noo sa kanya.

"Kasi masarap ako." Resia.

Ay ang gago talaga sumagot. Pinigilan ko matawa dahil dun.

"Ha. Ha. Ha. Dami kong tawa sayo, tatlo! Sobrang funny mo!" Sarcasm kong sabi sa kanya at kumain na ako ng niluto niyang arozcaldo.

Nag request ako sa kanya na ipagluto niya ako, mabuti naman at sumunod sya sa akin. Madalas kasi ako ang pinagluluto niya eh.

Nandito kami ngayon sa bahay nila ni daddy jose. Nakauwi na nga rin si daddy from his business trip. Tapos ayon, mas marami pang pasalubong sa akin si daddy kaysa sa anak niya. Feeling ko nga, tinakwil na to ng sariling ama dahil sa akin eh. Ako yung ipinalit.

"Palibhasa palagi kang nananalo sa asaran natin." Resia. Nakasimangot yan na parang batang nagmumutsong.

"Sus, ako na to eh. Si alicia gomez na to, love. Sino pa bang hahanapin mo?" Sabi ko sa kanya with confidence.

Ngumiti na lamang sya sa akin habang napapailing siya.

"Ikaw na ikaw na talaga yan. Ay amore ko, may pupuntahan akong parade sa London. Sasama ka ba?" tanong niya sa akin habang mataman ako na tinitignan.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon