THERESIANNIE's POV
Narinig ko na naman na kumalabog yung pinto ng kwarto nya. Kanina pa yan tinotopak. Hindi ko nga alam kung anong ginawa kong mali. Hindi rin ako kinakausap.
Malala talaga to maglihi.
Kahit noong hindi ko pa alam na naglilihi siya, malala na. Ngayon pa kaya?
"anong nangyari kay alicia?" tanong ni tita amelia sa akin habang may hawak na cup of coffee.
"hindi ko rin po alam sa kanya, tita. Hindi nga ako kinakausap kanina pa." napapakamot ako sa nape ko while saying that.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw rin ako napag bubuntunan ng inis niya.
"wait lang po tita. Puntahan ko lang itong anak mong mabait." sabi ko at tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko dito sa dining. Natatawa si tita amelia sa akin habang patungo ako sa hagdan.
Pag punta ko sa tapat ng room, naka locked yung pinto. Hanep.
"amore," kalmado kong tawag habang kumakatok ako sa pinto. Pero nakakailang katok na ako, hindi man lang binubuksan.
"yaya rodormina!" tawag ko mula sa second floor pero walang sumasagot from first floor. Nakailang ulit rin ako na tawagin sya pero wala pa rin. Nasaan na ba yon?
Sya kasi ang pinaghahawak ng susi ng kwarto ni ali.
"maam resia!" si yaya rodormina yon. Napakunot noo ako dahil galing sa loob ng kwarto ni ali.
"maam resiaaa! Helpppp!" yaya rodormina.
Sa sobrang aligaga ko, kumuha na lang ako ng kutsilyo sa kusina at yun ang ginamit ko pang tungkab ng lock ng pinto.
Pagkita ko, si ali naka dagan kay yaya rodormina at binubunutan niya ng kilay.
"ali?!" saway ko sa kanya pero tinignan nya lang ako na naka kunot noo.
"bakit nandito ka? Tinawag kita?" ali. Napa face palm na lang ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Si yaya rodormina, heto hindi na pantay yung kilay nya.
Binitiwan ko yung kutsiluyo at lumapit ako sa kanila. "Ali, alis na dyan. Nabibigatan si yaya rodormina." Saad ko sa kanya habang inaalalayan ko sya. Sumunod naman pero naka busangot ang kanyang mukha.
Bumangon na rin si yaya rodormina. Tinignan nya yung kilay nyang kulang na at hindi na pantay. Napahagikgik ako dahil doon. Jkinabuntong hininga na lamang nya at wala na syang magawa dahil alaga nya ang may gawa noon.
"Yaya dora, sorry. Urge ko lang talaga na pagtripan yung kilay mo." Sabi ni ali sa kanya habang naka pout.
"Bunutan mo na lang ulit mamaya para pantay." Sagot ni yaya rodormina na ikinaatango naman ni ali. Sabay kaming natawa dahil sa katwiran ni yaya rodormina.
Pag alis ni yaya rodormina, pisngi ko naman ngayon kinukurot nya. Jusko.
"Mama resia," tawag nya sa akin bago ngumiti, "nagugutom ako."
Huy, ang cute. Feeling ko mas magiging kamukha nya ang magiging baby naming dalawa.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko while rubbing the baby bump. Hindi pa gaanong halata eh. Nahihiya pa yata sya na mas lumaki pa agad para mahalata na.
"Gusto kong kinabog." Seryos niyang sabi sa akin.
Napakunot noo ako. Anong kinabog? Saan nakukuha yun?
"Anong kinabog?"
Parang wala naman akong maisip na kinabog na pagkain.
Naramdaman ko na lang na kinurot nya ako sa may braso. "Aray, ali!"
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.