GENERAL
Today is Alicianna Gomez' hearing. Maaga siyang nag asikaso dahil 10 am ay magsisimula na ang kaniyang pag dinig sa senado.
She's in front of her mirror, staring her small baby bump.
"Kapit ka lang baby, ikaw na lang pag asa ni mommy. Lalaban si mommy for you po." Saad niya habang hinahaplos niya ang bump niya.
Kinuha na niya ang kaniyang dress at sinuot niya yun and her wedge sandals.
Kimakabahan man, ngunit nag buntong hininga na lamang siya. Ilang oras lang din naman yun at matatapos din agad, ngunit alam niyang sa ilang oras na yon ay maraming katanungan na ibabato sa kaniya.
Lalo pa at si resia ang magtatanong sa kaniya.
"Lord, kung gigisahin man po ako ng dati kong asawa kuhanin nyo na po sya." Saad niya sa kaniyang sarili at sumakay ng sasakyan niya. Susunod na lang din sa senate ang kaniyang abogado, doon na lamang sila magkikita.
Pagdating niya sa senado, maraming media agad ang sumalubong sa kaniya. Mabuti na lamang, nandoon na ang abogado niya at inalalayan sya. Bukod pa doon, may mga security rin na pinoprotektahan sya.
Itinakip na rin niya sa bump niya ang mamahalin niyang bag upang masiguro na hindi ito matatamaan.
"Attorney, mag babanyo lang po ako." Paalam niya dito at agad na pumunta sa banyo.
After niya mag cr, nag hugas naman siya ng kaniyang kamay. Kinakabahan na siya. Doble amg kaba niya kaysa kaninang papunta pa lamang siya.
I'm doing anything naman eh. Bakit ako ang nandito?
Bahagya siyang suminghap dahil ramdam niya ang pananakit ng dibdib niya.
"Wala pa man sa senate hearing, umiiyak ka na?" Napatingin siya sa taong halos nasa tabi na pala niya. Hindi niya namalayan na dumating ito.
"The-- Resia." Sambit niya sa pangalan nito at impit siyang ngumiti, "kausap ko lang baby ko kaya ko naiiyak. Emotional yung mommy nya eh."
Napatingin si resia sa kaniya at dumako ang mga mata nito sa bump niya. Pansinin na rin iyon dahil bahagya na rin itong lumaki.
Walang lumabas na salita sa bibig nito sa halip ay naghugas siyang kamay?
"How many weeks?" Resia.
Ay tangina, tinanong pa talaga.
"Bakit? Papanagutan mo ba?"
"Layo ng sagot mo sa tanong ko ha?"Resia.
"Pake mo kung ilang weeks na. Nakokonsensya ka na ba?"Alicia
"Ay, wala ka pala nun."habol ni alicia pa.
"That's not my child, ipaako mo sa totoong ama."
"Malamang di ikaw ama nito, wala kang sperm cells, remember?" Umirap si alicia sa kaniya at kinuha na ang kaniyang bag.
Padaan na sana si alicia ngunit nakaharang siya sa may bandang pinto.
"Tatabe ka dyan sa daanan o pati yang mata mo gusto rin maging kulay ube?" Iritang saad niya kay resia habang pinag mamasdan niya ito.
Naka violet na naman siya.
She's always the walking halayang ube.
Agad naman na tumabi si resia dahil napansin niyang galit na ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Hanggang ngayon pa rin pala, tumitiklop pa rin siya dito.
Mamaya, ikaw ang titiklop sakin sa senado.
Hanggang sa nagsimula na ang pag dinig sa senado. Maraming mga tao ang nakapaligid sa kanila. Nasa likuran na niya ang kaniyang mga abogado habang nasa harapan naman niya ang mga senators at ang iba pang representatives ng senate.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.