GENERAL
Kanina pa hindi mapakali si resia habang nasa office siya sa senado. Mula kaninang umaga kasi ay hindi pa siya nito kinukumusta man lang.
"Inaalmuranas ka ba? Tila hindi mo maipwesto yang pwet mo dyan sa upuan" saad ni lorraine sa kaniya na naka upo sa isang swivel chair. Binisita sya nito, balak makipag kwentuhan pagkatapos ng senate hearing.
"Hindi pa ako minemessage ng fiancee ko." Saad niya at kinuha ang kaniyang phone bago imessage si alicia.
Ayun lang. Wala pa rin reply."Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ni lorraine sa kaniya at naka halukipkip pa.
"Kasama ko si imarri kagabi." Sagot niya at napa hampas naman si lorraine sa mesa nang mahina.
"E kung hindi ka ba naman siraulo." Tumayo ito at biglang binatukan si resia.
"Aray ko naman!" Reklamo niya dito at inayos ang nagulo niyang buhok.
Tumunog ang phone ni lorraine kaya napatigil ito sa pang babatok sa kaniya, "mabuti na lang tumatawag si phoebe. Dyan ka na nga, ayusin mo yang ginawa mong kagaguhan kay alicia. I swear resia, sasakalin kita." Banta nito at lumabas ng office niya.
Pagkakita niya sa message ni alicia ay tila namutla siya.
"Tangina." Saad na lang niya sa kaniyang sarili. Kinakabahan na kasi siya. Baka bigla nitong seryosohin ang mga sinasabi nito sa message.
Last time nga sinabihan siya nitong mag break na sila. Paano pa kaya itong cancel ang wedding?
Sumabay pa ang sakit ng puson niya. Tapos nangyari pa itong ganitong gusot nila ni alicia.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.