Chapter 104

151 15 44
                                    

GENERAL 

It's been three days at may bagong medical mission na naman ang Team Happy sa isang barangay. Hindi lang naman ang team na iyon ang nagkaroon ng medical mission dahil that day, sumama din resia kasama ang mga volunteers nurses na mula sa panig niya.

 Hindi lang naman ang team na iyon ang nagkaroon ng medical mission dahil that day, sumama din resia kasama ang mga volunteers nurses na mula sa panig niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Photo from: senri's ig)

"Yung mga babies po natin, huwag po natin hayaan na magkasakit. Ingatan po natin silang mabuti." Sabi ni alicia habang nasa may harapan. Hindi talaga niya prefer ang nasa stage kapag kinakausap niya ang mga tao, pakiramdam niya ang layo-layo niya sa kanila. 

"Mayroon po tayong libreng vaccinations and check ups for our babies. Mayroon din po tayong mga vitamins and medicines na pwede po sa kanila. Basta po tandaan nyo po lagi, kapag po may medical mission po libre po ito at para po ito sa lahat. Kami na po ang bahala na maglapit nito sa inyo para po masiguro natin ang inyong kalusugan." Saad niya habang nakangiti. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa kaniya.

"At isa pa po, today po kasama natin si Theresiannie— senator Resia kasama ang kaniyang team upang magbigay din ng libreng gamot at vitamins. Libre consult din daw po kung may ipapatawag kayo sa senado." Biro niya kaya naman nagtawanan ang mga tao at nakuha niya ang attention ni resia na karga ang kanilang anak.

"Hindi, hindi! Hahaha! Joke lang! Joke lang!" Bawi niya habang naniningkit ang kaniyang mga mata sa pagtawa.

Nagsimula na ang medical mission habang kinuha naman niya kay resia si ana at siya na ang nag karga dito. Turn naman ni resia upang sya ang mag lakad-lakad at kausapin ang mga tao.

"I am beyond grateful na nakasama ako sa ganitong klaseng medical mission ni mayor Alicia, masaya sa pakiramdam ang makita na nakakatulong ako sa mga tao." Then she heard the loud applause of the crowd.

"Dati kapag ganitong medical mission, nagpapaiyak lang ako ng batang hinihiram ko. Ngayon po, itong baby na karga ko ito na yung pinapaiyak ko! Maganda po ba sya?" tanong ni alicia habang naglalakad at naka mic. Karga naman niya si ana gamit ang kaniyang isang kamay. Hinahablot naman nito ang mic at pilit na isusubo.

Sumagot naman ang mga tao at nag a-agree sa kaniya, "Kamukha ko po no? Maganda kasi ang mommy nya."

"Kamukha ko rin yan." Sabat naman ni resia sa kaniya.

Palipat lipat ang tingin ng mga tao sa kanila habang nagtatawanan.

Bukod kasi sa pagkakaroon ng medical mission, para sila nasa mini comedy bar. Pwede nang maging komedyante ang isang senator at ang kanilang mayor.

"Alam mo madam chair, sa akin mag a-agree ang mga anak ko dito. Ako ang ina nila dito." Pang aasar niya sa kaniyang fiancee habang tinatawanan niya ito.

"Maganda po ba si madam chair?" tanong niya muli at nag make face kay resia, inaasar niya talaga ito.

Hindi naman agad nakasagot ang mga tao at tumawa ang ito. Ngunit may mga sumagot din naman na maganda si resia na ikina proud naman niya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon