Chapter 73

264 16 21
                                    

GENERAL

Padabog na sinara ni alicia ang pinto ng kanyang sasakyan kaya naman nagitla si resia sa ginawa nito. Kanina kasi sa senate hearing ay nagsimula na naman siyang gisahin ng kasintahan.

Binabaliktad baliktad na naman kasi ni imarri ang kwento pati na rin dinidiin siya ng mga senator na sangkot sa POGO. Isa pa itong si matthew na hindi umattend ng senate hearing. Lalong naka init iyon ng kanyang dugo.

"Ang init na naman ng ulo mo." Sabi ni resia sa kaniya habang sinusundan niya ng tingin si alicia na nag sstart ng engine ng sasakyan nito.

"Kung makagisa ka sa akin kanina parang di mo ko girlfriend ha. Galit na galit ka, lintek naman na yan." Sagot ni alicia sa kaniya.

"Work lang, amore ko. Sorry na." Saad ni resia at hinaplos ang braso ni alicia pero tinaasan sya nito ng kilay.

"Konti na lang papaiyakin mo ko sa senate hearing. E halos batuhin kita ng bottled water kung wala lang camera." Alicia. Nag drive na ito at nahahalata ni resia na pabilis nang pabilis ang pgdadrive nito kaya naman agad niyang tinapik ito sa hita nang marahan.

"Dahan dahan naman, ali!" Kinakabahan niyang sabi dito.

Sinamaan syang tingin nito bago ibalik ang tingin sa daan, "ikaw ba, nagdahan dahan ka sa mga tanong mo sa akin kanina?"

"Akala mo di masakit pinagsasabi mo sakin kanina?" Dugtong pa ni alicia dito.

"Eh-

"Na patay gutom ako?" Hirit pa nito kaya napakunot noo si resia sa kaniya.

Mukhang wala naman siyang sinabing ganoon dito?

Maya maya tumawa si alicia dahil sa reaksyon ng kasintahan. "De, nakita ko kasi sa internet kanina. Mga bata nagtatalo."

"Pero masakit pinagsasabi mo talaga sa akin kanina sa senate hearing. Mukhang mas maniniwala ka pa sa ex mong hugis mangga kaysa sa akin na napakaganda." Saad ni alicia habang patuloy na nagdadrive.

Kanina pa nagugutom si alicia simula senate hearing. Paano ba naman, hindi siya nakapag breakfast dahil pinagmadali siya ni resia. Kaya kanina pa rin mainit ang ulo niya. Bukod sa gutom siya, tinotopak pa siya dahil sa senate hearing na hindi na matapos tapos.

Ramdam din naman ni resia na gutom na ang kasintahan kanina pa kaya wala ito sa mood sa senate hearing na guluhin at pagtripan sya.

"Oo na, maganda ka na. Ikaw na ang photogenic. Kahit paiyak na maganda pa rin." Resia.

"Nang uuto ka pa. Gusto mo yakapin kita sa leeg hanggang mag violet?" Alicia. Umirap pa ito sa kaniya kaya tumahimik na lamang sya.

Ayaw na niyang tumalak baka sipain na siya nito palabas ng sasakyan.

Pagdating nila sa isang restaurant, nag order na agad si alicia ng mga pagkain at nakaorder na ito ng apat na klase ng pagkain, bukod pa ang dessert. Kampante naman na nakaupo lamang si resia.

Maya maya tinignan sya ni alicia, "hindi ka mag oorder ng food mo?"

"Ha?" Resia. Hindi pa pala siya sakop sa inorder nito.

"Mag order ka na." Sabi ni alicia at humalukipkip pa.

"Akala ko kasama na ako doon sa inorder mong food." Mahina niyang saad habang tumitingin ng sa menu. Napakamot na lamang siya ng kaniyang ulo.

"Hindi no. Ako gutom na ha. Magdamag mo ba naman ipaliwanag sa akin yung kaso ko tapos mamadaliin mo ko pumunta ng senate hearing kahit puyat pa at hindi nagbebreakfast." Saad ni alicia sa kaniya at di na siya nito pinansin.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon