Chapter 28

165 12 0
                                    

GENERAL

Umattend ng campaign ni resia si alicia. Wala kasi siyang campaign sa araw na yon. Maraming taong sumuporta sa kaniyang kasintahan. Aliw na aliw nga siya dahil napapasayaw o kaya naman napapakanta ito ng mga tao.

"Sabi ko sa sarili ko, girlfriend ko lang po ang makakarinig ng boses ko pero I'm here in front of you, kumakanta para sa inyo." Natatawang saad ni resia habang nakaharap sa mga ito.

"Nasaan ang mga bakla?! Itaas ang kamay ng mga bakla!" Sigaw ni resia at nagtaasan din naman ng kamay ang mga tao habang nag hihiyawan.

"Walang masama sa pagiging bakla. Tandaan nyo yan. May karapatan kayong magmahal at mahalin nang tama." Habol ni resia bago ngumiti sa mga tao.

She also explained lahat ng kaniyang mga gagawin at susubukan na ipasang batas nang sa gayon mas maging maayos pa ang kaniyang bansa.

Pumalakpak naman si alicia habang nasa isang tabi at malawak na nakangiti dahil proud sya sa kasintahan.

"I asked my girlfriend kung okay lang ba sa kanya na ipakilala ko sya sa inyo. And she said yes before ako pumunta dito sa entablado at makausap kayo." Mahinahon na saad ni resia and then she glanced on her girlfriend.

Pero pag lingon niya, hindi na lamang si alicia ang nandoon dahil dumating din si imarri at nakiki suporta sa kaniyang campaign. Halos magkadikit na sina imarri at alicia. Disgust was written all over alicia's face. Tila ayaw nitong madikitan sya ng ex fiancee ni resia.

Kinikilig naman ang mga tao dahil sa sinabing iyon ni resia. She's so brave to show her girlfriend to the public. Wala talaga syang kinakatakutan.

"Why would I hide my girlfriend kung ganito kaganda? I should be proud diba?" Saad ni resia habang marahang hinawakan ang kamay ni alicia upang alalayan na umakyat ito sa stage.

Nakatitig naman sa kanila si imarri, she's longing. She missed her ex fiancee. Hindi naman nya balak manggulo sa araw na 'to ngayon. Gusto lang niya makita si resia at suportahan ito sa pagkampanya para sa darating na eleksyon.

Pero mukhang lalamunin sya ng inggit at sakit.

She never experienced like what resia's did for alicia. Sana siya din.

"Hello po!" Bati ni alicia sa mga tao at nakangiti siya sa mga ito. She's wearing a pink long dress. Nakaladlad din ang mahaba niyang buhok at may dala lang syang maliit na bag.

"Hello po, ako po si Alicia Gomez ang girlfriend po ng nag iisang Ana Theresiannie Honall!" Naririnig naman ang tilian ng mga tao lalo na ang mga babae. Mukhang maraming nabading.

Napatawa din naman si alicia at narinig iyon ng mga tao. Maging si resia ay napatingin sa girlfriend at namumula na ito.

"Bakit parang tuwang tuwa po kayo?" Alicia.

Halos lahat ng tao ay iisa lamang ang sinisigaw, ang ganda mo!

"Love, ang ganda ko daw. Totoo ba yon?" Tanong ni alicia habang nakatitig kay resia. Naniningkit ang mga mata nito at namumula na rin.

"Sobra! Mukhang marami akong magiging kaagaw ngayon kasi maraming may crush sayo. Oy, akin to ha! Pinakilala ko lang sa inyo to ngayong araw para pag nakita nyo sa daan, nako huwag nyo hahawakan sa kamay to." Hirit ni resia bago nakisabay sa tawanan ng mga tao.

Maging ang mga kapartido ni resia ay nakiki sabay din, lalo na ang kaniyang mga kaibigan na sina lorraine at lorelei.

Nang kumalma na ang mga tao mula sa biruan ay nagsalita na muli si alicia.

"Sana po sa darating na eleksyon, suportahan po natin at ipapanalo si resia. Dahil alam ko po na kapag siya ang nanalo, sigurado.. asenso garantisado" nag gesture pa si alicia na number one sa kaniyang daliri.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon