GENERALLimang taon na silang kasal at limang taon na rin ang kanilang anak. Mas naging matibay pa nga ang kanilang pag sasama. Kahit na may mga hindi pagkakaintindihan minsan ay mas pinipili nilang pag usapan nang maayos.
Bilang mga magulang naman, mas pinili nila ang gentle parenting kay Ana. Ni hindi pa nga nila pinapadapo ang kanilang kamay sa katawan nito para saktan.
Kumusta nga ba sila noong mga nagdaan na taon?
Flashback
Hindi nawawala ang pag uupdate nila sa isa't isa. Lalo si Alicia, kapag nasa munisipyo sya at ang may alaga ay si Resia, gusto niyang may update lagi siyang marereceive.
Walang bago, nag aasaran pa rin silang dalawa.
Kahit na may anak na sila, patuloy pa rin ang lambingan nila sa isa't isa.
---
Sobrang tuwang- tuwa kasi si Ana sa tuwing naririnig niya ang boses ni Resia. Lumaki kasi siyang kinakantahan nito lalo na sa gabi bago siya matulog. Kaya kahit may mga trip si Resia sa ibang bansa, tumatawag lang siya para kantahan ang kanilang anak."Kailan ka ba uuwi, love? Every night na lang umiiyak si Ana banana eh." Saad ni Alicia nang tumawag ito sa kaniya.
"Baka bukas pa, amore."
"Okay, love. Ingat ka. Love you madami mama resia."pag baby talk ni Alicia sa kaniya.
------
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.