GENERAL
It's been two weeks simula nang manligaw si Resia sa kanya. Every week, hindi nito nakakaligtaan na bigyan sya ng bulaklak. Sa tuwing malapit nang malanta ang bulaklak na binigay sa kanya ay nagkakaroon na agad ito ng kapalit.
Lingid sa kanyang kaalaman, may isang pirasong bulaklak lagi si resia na itinatabi upang malaman nya kung malalanta na ba ang binibigay nya kay aliciana.
Kaninang umaga pa nag hihintay si alicianna sa message ni resia, pero hindi pa rin sya nito minemessage.
"Baka may iba na itong nililigawan ha" saad niya sa kaniyang sarili habang kinukuha nya ang phone nya.
"Ma'am, ano pong lulutuin kong dinner?" Tanong ng kasambahay niyang lumapit sa kanya.
"Sinigang na hipon. Ate, sinigang na hipon ha? Baka shrimp broth cubes lang ilagay mo dyan." Sagot niya dito. Hindi pa rin niya makalimutan ang fresh na pusit mula sa lata noong nakaraan.
Akala niya ay umalis na sa kanyang tabi ang kasambahay nya, ngunit nandoon pa pala ito at nakikitingin sa phone nya.
"Si ma'am, hirap na hirap mag compose ng imemessage kay ma'am resia."
"akala ko nasa kitchen ka na"
"wala pa po. Turuan kita kung paano imessage si ma'am resia ha?" sabi ng kasambahay niya at nilabas din nito ang kanyang phone.
Naka iphone 14 rin ito.
"Ayan ma'am, sinend ko sa chats yung mga isesend mo kay ma'am resia. Copy paste mo na lang po. Papansinin ka na nyan for sure!" At umalis na nga ito sa kanyang tabi
Natatawa na lamang sya sa kung anong mga sinend sa kanya nito. Pero why not, bakit hindi nga naman nya subukan?
Habang nag hihintay sya na maluto ang kanilang pagkain, pumunta na muna sya sa kaniyang kwarto. Hinihintay nya rin kasi ang message ni resia sa kanya.Minsan, may sense rin pala ang kasambahay nya.
Hanggang sa nag reply na si Resia. Agad niya itong binasa at humagikgik sya sa message nito.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.