Chapter 46

115 6 5
                                    

GENERAL

Maayos na ang lahat para sa kanilang wedding. Tuwang tuwa nga ang mga magulang nila dahil matutuloy na ang kasal nilang dalawa. Ang tanging inaayos na lamang nila ay ang kanilang surrogation.

Ngayon ay nagkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay nila dahil gusto lang nilang mag enjoy. Naisip lang ni alicia iyon dahil super pagod na sila sa trabaho and gusto niya mag relax. Nagka ayaan lamang dahil pare-pareho silang busy noong nakaraan. Isa pa, naging success ang isang project ni alicia bilang isang mayor sa bayan nila at bukod pa doon, may na solved na case na naman sa senate sina resia at ang kaniyang mga kaibigan.

"Hindi man pala tayo nagkatuluyan... magkakatuluyan naman pala ang mga anak natin." Nakangiting saad ni daddy jose kay mommy amelia. He's happy for his daughter resia. He saw her before kung paano siya umiyak at masaktan because of imarri. At ayaw na niyang maulit pa iyon na mangyari.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig~" hirit ni lorraine kaya inabot ni resia ang nilukot niyang tissue at binato iyon sa bibig ni lorraine.

Sakto.

Lumusot.

"Tatahimik ka o hindi ka na makakabalik sa pamamahay namin?" Resia.

Tatawa tawa naman si lorraine, "nahahawa ka na sa asawa mo talaga!" Sabi niya matapos niyang alisin sa bibig niya ang tissue na nakain niya.

"May sinasabi ka Lorraine Ritchelle Llega?" Saad ni alicia habang nakataas ang isa niyang kilay.

Tila naman dumaan ang isang hangin na nakapag patahimik sa lahat. Gusto na lang matawa ni resia dahil sa muling pagkakataon, napatahimik ni alicia ang kaniyang kaibigan.

"Nako, ikakasal na ang unica hija ko" saad ni mommy amelia at niyakap si alicia. Hinalik halikan pa niya ito sa noo at sa buhok.

"Si mommy naman. Pero sige na nga, magpapalambing ako ngayon dahil sa susunod after wedding baka mas matuon ka na sa apo mo." Saad ni alicia sa ina at tumawa sya.

"Mukhang may bago akong aalagaan na." Saad ni yaya rodormina, ang kaniyang yaya dora.

Sinabi niya dito na doon na ito mag stay sa kanila ni resia dahil may iba pa namang kasambahay na maiiwan sa mommy amelia niya.

Napakamot naman si resia, "nako yaya dormi ha, baka katumbas niyan ay tatlong ali ha kapag ikaw nag alaga"

"Ayaw mo?" Saad ni alicia habang may hawak na bread knife. Nagtawanan naman halos ang lahat dahil sa pananakot nito.

"Hay nako! Nakaka kilig naman pala kayong dalawa!" Saad ni shamara kay alicia. She's invited of course, she's alicia's friend.

"Kahit lima pa yan, gustong gusto ko." Sagot ni resia na hindi matukoy kung seryoso o nilalaro na lamang niya ang sagot para sa fiancee niya.

"Humanap ka na kasi ng magiging boyfriend mo" si matthew, inaasar nito si shamara at kinurot pa nito sa pisngi.

"Ayyy, ayokong boyfriend. Gusto ko girlfriend. Ikaw, baka naiinggit ka kay alicia ha?" Balik pang aasar ni shamara sa kaniya. Tumatawang umiiling naman si matthew.

Maya maya ay napatingin sya kay resia, "I have special someone right now. Umalis nga lang eh." Saad nito at napakamot ng kaniyang nape.

Nagkatinginan naman si alicia at resia. Napatingin din sila kay lorraine at lorelei na parehong focus sa goal nila: ang kumain.

"Si imarri?" Tanong ni alicia habang nag hihiwa ng steak.

"Uhm, yes." Tumatango nitong saad at ngumiting tipid kay resia. Wala namang sagot si resia dito at tumango na lamang. Ayaw na niya mainvolve sa usaping iyon at wala na siyang pakialam kung sino amg jojowain ng ex niya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon