Chapter 3

95 13 11
                                    

GENERAL

Kanina pa sila magkasamang dalawa. Nag roadtrip sila habang nagkukwentuhan at nagkakantahan sa loob ng sasakyan.

Hindi rin naman mawawala ang asaran nilang dalawa. Pareho pa naman silang may topak.

Nagiging touchy and clingy rin sa kanya si resia, hinahawakan sya nito sa kamay. Agad din naman nya ito sinasamaan ng tingin. Pero si Resia? Hindi sya magpapa awat. Makulit sya eh.

Nanuod din sila ng movie sa sinehan. Ang romcom movie na The Senator and The Makulit na Mayor. Hindi naman makapag focus si resia sa kanilang pinapanuod dahil mas nanunuod sya sa reaksyon ng kasama nya na si alicianna.

Kahit na madilim sa sinehan, nakikita pa rin niya ang kagandahan nito.

Pinapakinggan rin niya ang bawat tawa nito.

She never noticed every smack on her arms sa tuwing may nakakatawang scene sa pelikula at tumatawa si alicianna.

Paglabas nila ng sinehan, naka angkla sa braso niya si alicianna habang binabalikan ang mga eksena sa pelikula. Memorize pa rin nito ang bawat lines ng mga bida.

"Bakit ka naka angkla sakin ngayon? Akala ko ba hands off?"

"Ayaw mo?" Kumalas ito sa pagkaka angkla sa kanya.

Nagiging dragon na naman sya.

Resia pouted.

"Nag jojoke lang eh. Halika na nga dito!" She pulled her closer, ngayon naka yakap akbay na sya dito.

She even kissed her forehead kahit na maraming nakakakita sa kanilang dalawa. Wala siyang pakialam sa mga tao na nasa paligid niya.

Pareho silang naka upo ngayon sa hood ng sasakyan ni resia. Parehas na nagpapahinga. Nag stop muna sila sa isang daan kung saan matatanaw ang city lights.

Basa na rin sila ng pawis. Matapos nilang manuod ng movie ay nag aya si alicianna sa park kanina. Hanggang sa inaya sya nito na makipag laro sa mga batang nandoon.

Unti-unti na niyang nakikilala si alicianna. Sadyang mahilig ito sa mga bata. Halos lahat ng bata na nandoon sa park ay nilibre nya ng ice cream. At nang makakita ito ng mga balloons ay binili rin niya bago ito ipamigay.

"Masarap pala to" alicianna. Kumakain sila ngayon ng pritong tokwa. Nakita nila ang isang matandang nagtitinda ng mga street foods.

Hindi sya kumakain nito dahil niluluto pa lang, naduduwal na sya sa amoy. Stinky for her.

"Masarap naman talaga yan. Ngayon ka lang kumain nyan?" Resia.

"Oo, ang baho kaya. Lucky you, naging successful ang pag convince mo sakin." Nag bleh pa sya dito.

"Hangin mo naman." Hirit naman ni resia.

"Hindi, maganda lang." Nagpa cute pa sya habang nakatitig sya dito.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang mukha niya kay resia. Her heart beats fast. Nakaramdam na rin sya ng kung anong nakakakiliti sa tiyan nya.

Ito ba yung butterflies in stomach

Or

Kumukulo lang ang tiyan nya dahil sa tokwa?

"Amoy kang betamax." Saad niya kay resia.

"Alam mo, kikiligin na sana ako kasi nakalapit ka sakin pero panira ka ng moment."

"Huwag po, masama po kiligin sakin. Taken na po ako." Alicianna.

Tumitig dito si resia at nag crossed arms. Hindi niya alam kung bakit sya nainis.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon