Chapter 37

50 7 0
                                    

THERESIANNIE's POV

Kanina pa dito sa bahay sina lorraine at lorelei. Sabay nila akong tinatalakan magmula pa kanina.

"Kung sinabi mo sana na sinasangkalan mo pangalan namin kay alicia baka natulungan pa kita" lorraine.

"saan ka naman kasi nagpunta noong hapon? bumalik lang ako senate dahil may nalimutan akong files na kailangan kong iuwi. E magkakasama tayo nina lorraine noong umaga ha?" sabi naman ni lorelei sa akin.

Sabay sabay nga kaming hindi pumunta sa senate kahapon dahil may inasikaso kami.

Hanggang ngayon, hindi ako kinakausap ni ali. Kahit pumunta ako sa bahay nila, hindi niya ako pinapansin.

"Kausap ko si Gab noong hapon. " saad ko sa kanila. Tinitigan nila ako at parang nagtataasan ang mga kilay.

"Wala akong ibang babae ha, yang mga tingin nyo. Si ali lang nilalandi at hinaharot ko. Gabriella Prieto is just a friend and not my type." Paglilinaw ko sa kanila bago ko irapan.

Masisira kasi yung plano kapag sinabi ko kay ali. It is all for her.

"Nabanggit ko kay ali yung pangalan ni gab pero hindi ko na explain maayos." I said at napa tsk na lamang sila sa akin. Akala mo sila ang hiniwalayan ng girlfriend.

I am asking them na tulungan nila ako na suyuin si ali pero pareho nila akong tinanggihan. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga itong dalawang ito.

"Hindi pa rin nag memessage sayo?" tanong sa akin ni lorraine. Napailing na lamang ako at tinignan ko ang phone ko.

"Baka galit lang si alicia sayo. Babae ka naman, dapat alam mo yung topak ng girlfriend mo. Pero minsan mas sinasabayan mo eh." Tila kunsumidong saad ni lorelei sa akin.

"Kase hindi ko naman talaga sya magets. Ako kapag ayoko, sinasabi ko naman agad, para pareho kaming mag ajust. Pero pag sa kaniya para akong nanghuhula sa kawalan. Suyuin mo magalit, sunduin mo gusto niya magagalit. Saan ako lulugar niyan." Irita kong saad sa kanila.

" ang hirap magmahal ng lalaki, pero parang mas mahirap pala gampanan maging isang lalaki pag pareho kayong babae." Si lorraine naman ngayon ang nagsalita. Mukhang may problema din sila ni Phoebe ha.

"Mga bading." Lorelei.

"Kabilang ka!" Sita ko na ikinatawa naman niya.

Kinuha ko phone ko at naglakas loob ako na imessage sya. Mabuti nga naka unblock na ko eh.

Napansin kong pareho silang tumatawa yun pala nakikisilip sa usapan namin ni ali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napansin kong pareho silang tumatawa yun pala nakikisilip sa usapan namin ni ali. Mga chismosa talaga.

"Ang tapang sa senate hearing ni chairperson, pero kay alicia lang pala titiklop." Naiiling na saad ni lorraine sa akin at maka halukipkip pa.

"Nakakatakot kasi ito mag biro. Hindi ko na alam kung totoo o hindi. Tulungan nyo na kasi ako manuyo!" Demand ko pero sabay silang umiling sa akin.

"Mahal ko buhay ko, resia. Gusto ko pa ulit madiligan."lorelei. Anak ng!? Mukhang nag hahanap na ng jojowain itong si lorelei.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon