GENERAL
After the pride parade, nag diretso naman sila for summit meeting. They met other couples na parte rin ng parade na yon. Ang iba pa nga ay naging friends nila.
During the meeting, hindi na naman maiwasan ni alicia na gumamit ng phone nya. Tinitignan naman siya ni resia na nakakunot noo na naman habang sya hindi na naman makaramdam.
"Amore ko, you're not listening naman sa speaker eh." Sabi ni resia habang nilalapit ang mukha sa kasintahan. Tumingin naman si alicia at ngumiti dito.
"Hehe. Sorry love, nag message si dawn eh. Aattend daw sana sya dito pero di sya natuloy." Sabi ni alicia at pinakita kay resia ang message nito. Tumango na lang naman si resia at binasa ang message. Napaka casual lang ng usapan at wala naman bakas na panghaharot ang message na yon ni dawson.
Cancel selos. Alam ang distansya.
"Bakit hindi raw sya naka attend?" tanong niya habang inaabot ang kamay ni alicia upang hawakan yon. She loves holding her hand, it is so soft and comforting.
"Busy sya eh tska mukhang may nililigawan na siya rin hahaha sana di na sya bumalik sa ex nyang bruha." Saad ni alicia at pareho silang natawa.
Nabawalan naman sila nina lorelei na seryosong nakikinig sa guest speaker sa meeting na yon. Nilingon lang naman ito ni resia at nag bleh pa.
Mukhang namana na niya kay alicia ang mang asar.
Tumagal rin ng ilang oras ang summit at nabobored na si resia, "sana pala nagpa senate hearing na lang ako today kaysa nakinig ako dito."
Napa chuckle naman si alicia dahil doon. Halata kasi na nabobore na si resia, kanina pa siya nito kinukulit na umalis na sila sa meeting.
"Mukhang issue sa POGO na lang ang bumubuhay sayo e" hirit ni alicia sa kaniya habang tinatawanan sya.
"Oo naman. Ikaw ang queen of POGO kase. So ikaw ang buhay ko." Resia. Lalo pa niyang inasar si alicia nang siya ay ngumisi rito.
"Tarantado talaga 'tong senator na to." Sagot ni alicia sa kaniya. Narinig naman nilang nagtawanan ang kanilang mga kaibigan. Wala na pala sa speaker ang attention ng mga ito kundi nasa kanila na namang dalawa.
Nagkaisa silang anim na umalis na ng hall na yon.
"Alis na tayo, gutom na si phoebe." Sabi ni lorraine sa kanila habang bumubulong. Concern siya sa fiancee nya of course. At isa pa, nabobored na rin siya.
Kunot noo naman siyang tinignan ni lorelei, "hindi tayo pwede lumabas na magkakasabay."
"Edi by partner." Lorraine.
Napa chuckle na lang si resia, "halatang tumatakas ka noong nag aaral ka no? Alam mo mga diskarte." Hirit nito sa kaniya habang nakatitig pa.
"Syempre. Paalam ko lang pupunta akong banyo pero pagbalik ko may dala na kong turon."lorraine. Proud pa sa kalokohan niya.
Tumingin naman si alicia sa kaniya, "so saan galing yung turon? Sa toilet bowl?"
Napa ngiwi na lang sila sa sinabi nito. Hindi nila alam kung curious ba si alicia sa pagtanong na yon or sarcastic ba o pang huli ay nang aasar?
"Kadiri." Phoebe.
"Dugyot." Lorraine.
"Salaula." Resia.
"Mukhang masarap yon pag galing sa toilet bowl." Lorelei.
"Pisteng yawa ka." Gab. Sabay hampas sa braso ng kasintahan nya.
Sadista rin pala sya.
Nagtagumpay nga ang paglabas nila ng hall. Pagkalabas nila, dumiretso naman sila sa isang restaurant upang kumain. They also ordered a bottle of wine and talk about their lives.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.