Author's Note

149 15 22
                                    

Hi, luvies and roses! I want to share something about the LVR. 

Alam nyo ba (malamang hindi pa) na sinimulan ko itong story na ito noong may bagyo pa. Yun yung time na hindi pa natin alam na nasa bansang Indonesia si AG. Then may binasa ako na mga stories na sila ang characters. I think tatlo or apat lang yun, pero yung iba doon hindi ko natapos. Aside from that, sa blue app may mga nakita ako na nag post ng mga stories na sila ang cover! Dahil sa curiosity ko, nagbasa ako.

Naisip ko that time, what if mag sulat din ako ng sarili kong story na sila ang characters? May magbabasa kaya? May matutuwa kaya? So kahit risky (HAHAHAHAHA) sige lang, tinuloy ko pa rin. Sabi ko sa sarili ko, tatapusin ko to sulatin ng isang linggo lang. Seryoso. Kasi wala nga akong pasok that time sa school and parang gusto ko lang ilabas yung flow ng story na nasa isip ko kahit hindi pa sure kung matatapos ko ba siya or magiging maayos ba talaga. Hindi ko rin ginamitan ng hashtags ng names nila dito para hindi ma-search. HAHAHAHA

Pero akala ko matatapos ko siya in a week, hindi pala. Hanggang sa pati ako nag eenjoy na rin sa pagsusulat. Pati ako minahal ko yung characters sa story na ito.

Kaya, hindi na ako masyado pa na nagbasa ng stories nila kasi baka tamarin ako at hindi ako tuluyan mag update. Ayoko rin na baka magaya ko yung pagsusulat ng ibang authors. Gusto ko iba yung flow, iba yung sakit. Ay sorry. 

Dumating pa sa point na muntik ko na itong iunpublish noong nag post si senri about their edited pictures. I was so scared that time. But before pa mangyari yun, hindi naman real name nila ang ginamit ko dito. (But I revealed it sa characters >,< so paano?)

Until now, hindi ako makapaniwala na completed na ang story ko na ito. I was crying yesterday while typing the epilogue. Kasi I am not ready to let them go. Sobrang mahal ko ang characters na ginawa ko. 

Aside from that, magiging honest na ako na hindi ko talaga sinabi sa inyo na epilogue na ang kasunod dahil baka mag request kayo na iextend pa yung chapters knowing na sobra na ang pinagdaanan nilang dalawa sa story na to. Baka hindi ko rin kayo matiis, magiging marupok na naman ako sa inyo. 

Thank you everyone for reading my story! Thank you sa pagmamahal kina Theresiannie and Alicianna. Salamat sa mga comments and votes at sa paghihintay sa mga updates ko. Hindi ko akalain na bebenta sa inyo yung humor nilang dalawa at ng mga friends nila.

Mamimiss ko mag update sa story na ito, lalo na ang saktan kayo at patawanin kayo. Thank you for staying with me through the twists and turns of this roller coaster story. Sana nag enjoy kayong magbasa mula umpisa hanggang dulo. :))

Thank you sa mga private message nyo sa akin sa tiktok, or sa msgr (apat lang sila) na- appreaciate ko yun sobra. Thank you sa fandom na ito, nagkaroon ako ng comfort at may kasama ako na ifeed ang pagiging delulu (with limitations). Love ko kayo madami at palagi! 






Theresiannie and Alicianna are officially signing off.



La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon