Chapter 98

285 16 41
                                    

GENERAL

Mahigpit ang pagkakahawak ni alicia sa braso ni resia habang naglalakad sila papasok sa entrance.

"Ang higpit naman ng pagkakayakap mo sa akin." Bulong ni resia habang nakatitig sya kay alicia. Nakangiti siya rito habang pinagmamasdan niya ang fiancee niya.

"Ang dami kayang tao. Gusto mo bang mawala ako rito?" sagot ni alicia sa kaniya at bahagyang sumimangot pa.

Napa chuckle na lang siya dahil sa pagiging cute nito. Natutuwa talaga sya kapag naiinis niya ang fiancee niya.

"Hindi naman mawawala yung cutie na penguin ko." Resia. Napa glare na lang sa kaniya si alicia at bahagya siyang hinampas nito sa braso. Hindi niya napigilan na lumakas amg kaniyang tawa. Ang ibang mga tao ay napatingin sa kanila, pero wala siyang pakealam.

"Bakit puro mga government officials nandito? Anong event? Ito ba yung ginawa nyo nina Gab noong nakaraan na magkakasama kayo?" tanong ni alicia habang nililibot niya ang kaniyang tingin.

Pinagmamasdan naman ni resia si alicia at pasimple siyang napangiti rito. Hindi niya mapigilan na hindi i-admire ang kaniyang fiancee.

Kahit yata pag masdan niya ito maghapon ay hindi siya magsasawa.

"Ito nga." Tipid niyang sagot bago niya ayusin ang kanilang mga kamay. Pinagsalikop nila ang kanilang mga daliri. Tinignan siya ni alicia na nakangiti bago dumako ang tingin nito sa kanilang mga kamay.

"You know what, love? I always feel safe when you're holding my hand. Dahil alam kong lagi kang nandito para sa akin." Saad ni alicia habang hindi naaalis ang pagkakapako ng kaniyang tingin sa kamay nilang magkasalikop.

"Walang pwedeng manakit sa'yo, ali. And I will always be here to protect you." Sagot niya habang nirurub ng kaniyang thumb ang kamay nito.

Maya maya ay nakita na rin ni alicia sina lorraine, lorelei, gab and phoebe. Maging ang mga barangay officials ng kanilang bayan ay nandoon rin. Ang mga staffs ng mgataga munisipyo at ang kanilang acting mayor ay nandoon rin.

"Love, ano bang meron?" tanong ulit ni alicia na nakatitig ngayon kay resia. Gusto niya ng kasagutan.

"For government event nga love. Hindi mo ba alam na government day ngayon? Nagcecelebrate ng paglilingkod nila sa kanilang bansa at sa kanilang bayan." Saad ni resia sa kaniya habang wini-wiggle nito ang kaniyang kilay.

Umirap naman si alicia. "May ganoon na pala? Hindi ako updated. Tska why do we need to celebrate it? Mga corrupt naman ang mga nakaupo sa kanilang pwesto."

Wala siyang pakialam kung marinig siya ng mga taong nasa paligid niya. Katotohanan naman ang sinabi niyang iyon.

Natawa na lamang si resia. Hindi niya talaga mapipigilan ang kaniyang fiancee sa kung anong gustong sabihin nito. At hindi niya kokontrahin ang sinabi nito dahil maging siya ay sumasang ayon sa sinaad ni alicia.

Maya maya lamang ay nagsalita na ang host na umayos na sila ng kanilang pwesto.

Pumila na sila at nasa pinaka huli silang dalawa. Nasa unahan nila ang ibang mga officials, at ang kanilang mga kaibigan. Hanggang sa natanaw ni alicia sina daddy angelito, mommy amelia at daddy jose.

"Invited sila?" Tanong ni alicia habang nakalapit ang kaniyang bibig malapit sa tenga ni resia. Malakas na ang malamyos na musika at nagsasalita rin ang host.

Tumango na lamang siya at ngumiti rito.

Parang nanlamig ang mga kamay ni resia dahil sa kaba.

Hindi naman ito ang kaniyang first time para gawin ito. Pero hindi niya maiwasan na hindi kabahan. Ayaw niyang pumalpak ang lahat.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon