Chapter 64

78 7 14
                                    

GENERAL

Mataman na tinititigan ni resia si alicia habang tulog ito. Hinahaplos rin niya ang buhok nito at maya maya pa ay kaniya itong niyakap.

Nadaan niya sa pakiusap na sumama ito sa kaniya kagabi dito sa kaniyang pad. Matagal din bago ito napapayag.

Maya maya ay naramdaman niya na yumakap rin ito pabalik, at mahimbing pa rin ang tulog nito. Hinayaan na muna niya si alicia na matulog, nag eenjoy din naman siyang pinag mamasdan ang mukha nito.

Bumalik na ang katawan nito sa ayos, hindi na yung mapayat sa tuwing nakikita niya sa senate hearing, dahil na rin yun sa stress noong mga araw na yon.

"Good morning, ali." Bati niya nang makita niyang marahan itong namulat at nagsalubong ang kanilang mga mata.

Ngumiti ito sa kaniya at muli siyang niyakap.

"Nancha-chansing yan, ali." Biro niya dito kaya maaga siyang nakatanggap ng kurot sa tagiliran.

"Ang kapal. So anong tawag sa halik na ginawa mo kagabi? Pang mamanyak?" saad ni alicia at nakatitig sa kaniya.

Tinawanan na lang niya yon at mas niyakap pa ang dating asawa. Hinalikan niya rin ito sa noo. Ngunit nag nakaw na naman sya ng halik sa labi nito.

"Theresiannie!" Banta ni alicia sa kaniya at hinampas siya sa kamay. Nag bleh na lang siya kay alicia at mas lalong inasar ito.

"Sinasabi ko sayo, di pa tayo totally okay ha. Malay mo pinapa asa lang pala kita ngayon."

Natigilan naman si resia sa sinabi ni alicia, "ah ganoon. Sige pala, huwag na lang ako mabuhay." Sinabayan nya rin ito ng halukipkip.

"Ipaghukay pa kita ng paglilibingan mo eh." Hirit pa nito kay resia. Gusto lang niya itong asarin din pabalik.

Agad na tumalikod si resia sa kanya kaya humagalpak siyang tawa. Sinamaan naman sya ng tingin rin nito noong nilingon siya ni resia. Hindi man niya aminin, alam niya sa sarili niya na namiss rin naman niya si resia.

Ngayon, nagsisimula nang maglaban ang puso at isip niya.

"Ang lakas mo pa rin pala mang bwiset until now." Saad ni resia ngunit humagikgik na lamang sya ng tawa. Then she wrapped her arm around her waist.

She hugged her from the back.

"Hanggang ngayon napipikon ka pa rin. Grabe ka theresiannie, bakit rumurupok ako sa'yo ngayong ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit umalis ako at nagpakalayo?" Alicia asked before planting soft kisses on her nape.

She gasped after alicia did that.

"Hindi ba dapat galit ako sayo? Dapat ikaw ang naghahabol ngayon sakin? O baka dumating na naman sa punto na ako ang maghahabol na naman." Tanong muli ni alicia sa kaniya. Hinaplos ni resia ang kamay ni alicia na nakalapat sa may tyan niya, giving her comfort.

"Hinabol din naman kita, but I'm too late. Kung ikaw noon, hindi napagod na maghabol sa akin, mas handa na ako ngayong sundan ka kahit saan. Sabi kasi ng daddy ko, follow your dreams kaya susundan kita saan ka man magpunta." Hirit niya dito.

Kinurot na naman sya ni alicia sa kamay kaya napa igik sya, "ang corny corny mo!"

Sabay silang kumain ng breakfast, si resia ang nagluto ng kanilang pagkain. Nag maldita lang naman siya dito na hindi siya kikilos dahil pinilit lang naman siya ni resia na sumama sa pad niya.

"Saan ka pupunta, after nito?" Tanong ni resia habang patuloy na kumakain.

"Bibisitahin ko si Ali. Grabe, malaki na sana sya sa sinapupunan ko ngayon kung nabuhay sya." Saad niya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon