Chapter 103

174 11 67
                                    

GENERAL

Maaga nagising si alicia dahil mag iikot sya sa kanilang lugar. Kumbaga surprise visit sa bawat barangay upang malaman niya kung pinapanatili ba na malinis ang kapaligiran.

Napatingin siya kay resia at kay ana na mahimbing pa ang mga tulog. Nakadapa si ana sa dibdib ni resia habang naka aalay naman ang mga kamay nito sa kanilang anak. Kagabi kasi, ayaw nitong magpalapag sa higaan. Mas gusto nitong nakahiga sa dibdib ni resia.

"Mama resia..."Mahinahon at malambing niyang tawag sa fiancee habang tinatapik ito sa pisngi nang mahina. Maya maya pa ay tumingin si resia kay alicia at umayos ng higa.

"Ikaw muna kay baby? I'll be back ng 9 am, love. Pag wala pa ako ng 9 am, sa angels mo ipaalaga si ana if maaga ka aalis. Pero alam ko bibisita si daddy angelito at si mommy mamaya. Mag iikot lang kami ng mga barangay officials." Bilin at paalam niya rito habang nakatitig siya. Tumango naman si resia sa kaniya.

Nang hindi makatiis si resia, she pulled her fiancee closer and gave her a kiss on her lips. Alicia couldn't help herself and she responded on her kiss.

"Take care, mommy ali." Saad ni resia before sya ulit humalik dito nang mabilis. Smack kiss.

"Thank you, love. I think I need that kiss as my energizer." Sabay wink nya dito bago siya tumayo mula sa bed. Pigil ang tawa nilang dalawa dahil baka magising ang kanilang anak.

Bumalik sa pagtulog si resia habang ganoon pa rin ang pwesto nila ng kanilang anak. Si alicia naman ay tumungo na sa kanilang kwarto upang mag asikaso.

6 am nang magsimulang ikot sa bawat purok at bawat barangay si alicia. Kasama niya ang mga staffs ng munisipyo at ang ibang barangay officials.

"Good morning po! Good morning everyone!" Bati niya sa mga nakakasalubong niya. Kinakawayan nya rin ang mga ito at ganoon din ito sa kaniya.

"Lola, good morning! Ang aga mo naman po nagising ha. Nakapag kape ka na ba, lola?" Tanong niya habang nagmamano rito. Natutuwa naman sa kanya ang matanda at sumasagot naman ito sa kaniyang tanong.

"Oo naman, mayora. Kumusta ka na? Hindi yata kasama si ganda." Tanong nito sa kaniya kaya natawa sya.

Ganda.

Iyon ang tawag nito sa kanilang anak. Minsan kasi niyang sinama ito sa paglilibot ngunit saglit lang, may kasama din siya noon na mga angels. Gusto niya lang masikatan ng araw ang kaniyang anak.

Muntik pa sila magtalo noon ni resia dahil bakit nga daw sinama si ana.

Ang katwiran nya? Minsan lang naman daw ito madumihan. Napailing at napa face palm na lang si resia sa kaniya.

"Naku, hindi ko po sinama. Tulog pa sila ni theresiannie. Wag n'yo po muna hanapin yung apo n'yo sa tuhod na maganda. Nandito naman yung mommy nya na maganda." Hirit ni alicia kaya natawa sa kaniya ang mga kasama niya at napuno ng tuksuhan at tawanan.

Tunay ngang nagbalik ang sigla ng kanilang lugar. Pansin niyang may improvement ang kanilang lugar noong hindi pa siya nagbabalik, ngunit ramdam niya na mas masaya ang mga tao noong siya na muli ang umupo.

Ngayon nga ay pinagpapatuloy na niya ang pagpapatayo ng hospital at ang kanilang market. Nakabili siya ng lupa at talagang binusisi niya ang mga ito upang tignan kung legal at walang anomalyang magaganap.

Ayaw na niyang magisa siya ng fiancee niya sa hearing no!

"Hello, mayora!" Bati sa kaniya ng isang bata.

Kumaway naman sya dito bago niya ito niyakap, "Hello! Parang miss na miss mo naman ako ah!" Nakatawa niyang sabi dahil bigla na lamang itong yumakap sa kaniya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon