THERESIANNIE's POV
Tangina talaga. Oo, nakaka tangina talaga itong plano ng asawa ko. Enebe. Anyway, nandito ako sa pad ni Imarri habang hinihintay ko siyang matapos sa pag aayos niya sa kaniyang sarili.
Ito naman, todo ayos pa. Si ali nga hindi tumatagal ng ganito katagal mag ayos, maganda pa rin. Siya naman, nasa mukha na yata lahat niya ng kolorete pero pangit pa rin.
Tama yata si ali, nagayuma nga yata ako nito dati kaya mahal na mahal ko to.
Gusto ko na lamang masuka ulit pero pinigilan ko.
"Babe, maganda ba?" tanong niya habang humaharap sya sa akin at ngumiti pa.
Sabi nga ni lorelei, jusmiyo santisimang ina ng awa! Ang pangit pa rin!
"Ah yes. Ang ganda ganda mo naman babe ko." Saad ko at bahagya ko pang iniangat ang mukha niya para matitigan ko.
Kung alam niya lang kung ilang beses na akong nagsuka sa pagmumukha na ito.
"Thank you, babe." Tumayo na rin siya at agad na nagpalit siya ng sandals niya.
Tinitignan ko lang naman ang kilos niya. Kapag ito kinwento ko na naman kay ali, tatawanan na naman ako noon.
Ewan ko nga eh, imbis na nagagalit ngayon dahil hinahawakan ako ni imarri, natutuwa pa siya. Siguro dahil alam nya ang nagiging reaction ko na patago.
"Babe, can I ask?" tanong ko sa kaniya at ngumiti sa kaniya.
"Mmm?" Nilingon niya ako at ngumiti rin siya sa akin pabalik. Nakangiti man o nakasimangot, iisa ang itsura eh.
"Diba kayo ni matthew before, naging okay naman ba kayo?" tanong ko sa kaniya at nilapitan ko siya. Humawak siya sa braso ko at inaya na nya ako palabas ng pad niya.
"Naging okay naman kami but unlike us na our love and affection for each other is pure, yung sa amin kasi for business lang." Sabay nag smirk siya sa akin.
Tila nakaramdam ako ng kaba noong sinabi niya na for business lang. Nagkaroon ako ng kutob na baka nga magka sabwat sila ni matthew.
"Business?" Kunot noo kong tanong sa kaniya habang pinagbubuksan ko siya ng pinto ng sasakyan. After that, umikot na ako sa driver's seat.
"Yes, business. Hindi naman purong pagmamahalan ang amin ni matthew. He just borrowed money from me because of his business is getting bankrupt and aside from that his dad needs medication." Sabi ni imarri habang chinecheck na naman niya ang mukha niya sa hawak niyang salamin.
"So naging kayo lang dahil sa pera? Ano yun, pinag panggap mo sya na boyfriend mo?" Tanong ko pa rin habang nag dadrive.
"Hahahaha yes! And hindi lang yun syempre. May iba pa kaming business ni matthew." Saad niya at kita ko sa peripheral vision ko na nag smirk siya.
Right. Business nila si alicia, confirmed ko na. Kailangan ko lang ng kaunting landi at harot pa dito para tuluyang bumigay.
Ang galing talaga ni ali ko. Sya na nga rin ang pinagkakamalan na spy, pero sa akin niya ginawa.
Paano ko itatanong sa kanya kung nasaan si matthew? Baka mahalata na ako nito na may pag aalala pa rin ako kay ali.
"Imarri, alam mo mabuti na rin na hiniwalayan mo si matthew" paninimula ko habang ang tingin ko ay nasa daan. Natu-trauma na kasi ako sa mukha niya.
"Why?"
"He attempted to rape Alicia during my birthday. Tapos sa ganoong lalaki ka mag sesettle? Pinatulan mo yon?" I told her na akala mo punong- puno ng pag alala akong lumingon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.