Chapter 65

81 7 20
                                    

GENERAL

Nagkaayaan silang apat na mag inom. Nasa bahay nga lang sila ni lorelei dahil ayas ni alicia na pumunta sa bar. Tuwang tuwa sina lorraine at lorelei na kasama na ulit nila si alicia. Marami silang tanong sito na hindi pa sinasagot ng huli.

"Saan ka ba nag stay ng limang buwan?" tanong ni lorraine sa kaniya habang nilalantakan ang pipino na nasa harapan nya.

Ngumiti si alicia sa kanila at napabuntong hininga.

"Nasa Amsterdam ako for two months and then pumunta ako ng Germany. Sinubukan ko magpakalayo layo hanggang sa makalimutan ko kahit paano yung sakit. Pero alam ko na may problema pa akong naiwan dito sa Pilipinas. And I need to go back here kasi alam kong may naghihintay pa sa akin. Hindi si theresiannie-ng impakta ha. Yung anak ko nandito eh." Saad ni alicia. Natawa naman sa kaniya ang dalawa at maya maya inaasar ng mga ito si resia.

"Pero magkatabi kayo natulog?" Lorelei.

"Imposibleng walang ginawang kaanuhan si resia." Lorraine. "Nako, yan pa? Mukhang sabik na sabik sa ka——

"Itutuloy mo o ipapasak ko sa bibig mo itong buong mangga?" Saad ni resia kaya napa pout na lang si lorraine.

"Ang angas na naman nya ngayon, pero umiiyak noong wala si alicia." Hirit na naman ni lorraine at ngumisi pa.

"Walang ibang binabanggit kundi 'miss ko na si ali'. Subukan mo itanggi, edi subukan mo lang." Saad ni lorelei at umirap pa.

Dahil nga nagkakagulo na naman silang tatlo at nagpapaligsahan, inawat na sila ni alicia.

"Saglit nga, kumalma nga kayo." Sabi niya at nahinto naman ang tatlo sa pag iingay.

Nakatingin sa kaniya ang mga ito na tila nahihintay ng kaniyang sasabihin pa.

"Tutulungan nyo ba ako?" tanong ni alicia sa kanila habang di inaalis ang tingin niya sa mga ito.

"Oo naman, para naman makabawi ako sa pang gigisa ko sayo." Lorraine.

"Sus, maniwala ka kay lorraine, naiganti ka na ni resia dati pa. Nakaganti rin kay lorraine for the first time in history yata ng buhay niya."saad ni lorelei at natawa pa siya.

Napa face palm na lamang siya at natawa rin siya.

"So bakit ka nasangkot sa POGO bilang isang operator noon?" tanong ni lorelei sa kaniya. Nakatitig sa kaniya ang mga ito at naghihintay ng kaniyang kasagutan.

"Next time ko na lang yan sasagutin. Sa senate hearing na." Saad ni alicia at nilagok ang alak na nasa kaniyang baso. Ayaw na niyang ilahad pa ang ibang impormasyon na kinasangkutan niya, at bukod pa doon, gusto naman niya magsaya.

Nagkwentuhan na muna sila at isinagawa nila ang kanilang plano tungkol sa kaso ni alicia.

"Pakiramdam ko talaga may binabayarang isang senator para isabotahe ang lahat ng records mo." Saad ni lorelei habang napapaisip kung sino ang maaring senator ang gumawa noon.

"Hindi ba kayo natatakot na baka dahil sa akin mapahamak rin kayo?" Tanong niya sa mga ito pero umiling lang sila.

"Hindi ka nila masasaktan no, hindi rin nila kami pwedeng saktan dahil kasama ka namin. Kung nakikipag laro pala sila, edi makipag laro na lang din tayo." Saad ni resia at lumagok ng alak. Nag wiggle pa ito ng kilay niya kaya naman itinaas ni alicia ang isang kilay niya, napatahimik tuloy si resia.

"Nahuli na ba si matthew?" Lorraine.

Umiling naman si alicia, tutusok lang sana ito ng isang pirasong singkamas pero nanggigil ito. Kung pwede lang, ayaw na niyang marinig ang pangalan noon. Ngunit hindi pa rin maiwasan.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon