GENERAL
Nag aasikaso naman si resia ng kanyang sarili, kanina pa nag hihintay ang kanyang mga kaibigan. May pupuntahan kasi sila ngayon, may aasikasuhin na kinakailangan para sa election.
Tinawagan nya rin si alicia upang magpaalam dito at hanggang ngayon ay magkausap pa rin sila.
"Baka nagpapagod ka na naman? Katatapos mo lamang magkasakit." Kausap nya ngayon sa through call si alicia. Kasama niya sina lorraine at si lorelei dahil sa agenda nila ngayong araw. Naka loud speaker din ang call ni alicia.
"Hindi nga amore mio eh. Magpapasama ako kina lorraine. Sila mag rereport sayo kapag may ginawa akong ikakagalit mo." sagot niya kay alicia. Narinig naman yun nina lorraine at lorelei, natawa na lamang sila.
Hindi sila sanay na may sinusunod si resia. Sanay silang ito ang nasusunod sa mga bagay bagay. Sa kasintahan lang pala matitiklop.
"Kami bahala kay resia. Sasabihin din namin sa'yo kung may tititigan itong ibang babae" saad naman ni lorelei, nakisali na sya sa usapan ng magkasintahan.
"Pakidukot po ang mata ng girlfriend ko kapag may nilingon na babae." Seryosong saad ni alicia mula sa kabilang linya. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi alam kung nagbibiro pa ba si alicia, hindi kasi mababakas sa boses nito na nagbibiro sya.
"Hindi po magpapagod today. May aasikasuhin lang, kumander." Resia.
"Siguraduhin mo lang ha baka ibang babae aasikasuhin mo." Pananakot pa ni alicia. Napatingin si resia sa mga kaibigan niya at nagpipigil ito ng tawa.
"Hindiii. Bye na, i love you!" Resia.
"I love you more, Ms. Honall. Ibaba ko na yung call— kausapin ko lang girlfriend kong isa" alicia.
"HOY— ay pota, binaba yung call" Nakasimangot na sabi ni resia at inis na nilagay sa bag yung phone nya.
Humagalpak na lang ng tawa si lorraine kaya pinakyuhan sya ni resia.
Sa kabilang banda naman, binisita ni alicia ang restaurant niya. Naka bili na rin siya ng mga kailangan dito katulad ng mga pintura, mga ilaw, upuan, mesa at iba pang kailangan. She's so excited para sa bago niyang business.
Matapos noon ay pumunta naman sya sa kaniyang farm. Tinignan niya kung nalinis na ba ang kulungan ng mga baboy at ng mga manok. Kumuha rin siya ng mga gulay mula sa taniman na pwede ng iluto.
Pag uwi niya, nakita nya doon ang kaniyang mommy.
"Mommy, bakit wala ka sa munisipyo?" tanong niya dito at nag diretso sya sa kusina. Nakasunod naman sa kanya ang kaniyang ina.
"Wala naman anak, may gumugulo lang sa isip ko ngayon." Mommy Amelia.
Tinignan naman sya ni alicia na parang nag aalala, "may problema sa munisipyo na kailangan ayusin? Tungkol po ba saan yan mommy?"
"Something just happened in the past, anak. Pero hayaan mo na, hindi naman na mahalaga yun." Mommy Amelia. Pero halata na hindi pa din kumbinsido si alicia sa sinabi ng ina.
"Ikaw ba magluluto?" dugtong pa nitong tanong.
"Kung gusto mo po na ako magluto, then why not diba?" Nakangiti niyang saad sa ina at kumuha na sya ng mga gulay.
"Yaya, paki tadtad nga itong chicken. Thank youuu" saad niya at nilagay nya sa sink ang manok.
Lumapit naman ang yaya nila at inasikaso ito.
"Tapos ito pong chicken feet, paki alisan po ng mga balat. Thank you yaya." Nilapag niya ulit ang isang plastic na puro paa ng manok.
Naka masid lang naman ang mommy niya at napapangiti sa ginagawa ng kaniyang anak. She raised her na siya lang naman. Hindi na siya umasa sa ama nito mula ng iwan sila.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.