Special Chapter (Last)

325 21 55
                                    

GENERAL

"Happy New Year!" Sabay-sabay na sabi nilang magkakaibigan. Magkakasama silang nag celebrate ng new year sa Canada, habang ang kanilang mga magulang naman ay nasa Pilipinas at magkakasama rin ang mga ito. Amigas and amigos.

Nag beso naman silang mga mag kakaibigan at nag yakapan din sila habang nagbabatian ng Happy New Year. Habang ang kanilang mga anak naman ay nag yakapan din at ang iba ay nag high five pa. 

"Play na ha? Walang mag aaway." Malakas na sabi ni Gab sa kanilang mga anak. Kaniya-kaniyang pwesto naman ang mga ito upang buksan ang mga regalo, mag laro at kumuha ng pagkain.

"Inuman na ba?" Tanong ni Lorraine habang may hawak na siyang wine.

"Bagong taon na, magbagong buhay ka naman na Lorraine. Kaya simulan mo na kumuha ng baso." Saad naman ni Lorelei kaya nakatanggap siyang batok mula sa kaniyang asawa.

Sa mga nagdaang taon ay mas naging matibay nga ang pagkakaibigan nilang lahat. Senators pa rin ang magkakaibigan. Pero after that, magpapahinga na sila ng isang term bago makatakbo ulit. Kulang na lang, palayasin na sila ng kanilang mga asawa sa kanilang mga bahay at tumira sila sa senado.

Si Gab naman, bukod sa wedding organizer and planner pa rin. Mas kumikita siya ngayon dahil mas nakikilala na siya ng mga tao.

Si Phoebe, hindi na niya gusto pang bumalik sa senado, tama na yung minsan syang nagkaroon ng connection doon at nakatulong din dati kay Alicia na humanap ng impormasyon at ebidensya para mapatunayan na inosente ito. Nagtayo siya ng book and cafe, kung saan pwede magbasa ng mga libro habang umiinom ng kanilang favorite drinks. 

Habang si Alicia naman, ay nagpahinga muna sa pagka mayor, pahinga muna rin ng isang term pero handa pa rin siyang tumulong sa mga tao. Handa pa rin siyang makipag ugnayan sa mayor ng kanilang bayan ngayon. Bukod pa doon, mas magiging focus siya sa mga anak nila ni Resia. At mayroon na rin sa ibang lugar na branch ang kaniyang restaurant.

Ana is now eight years old while Analei is three years old. Ganoon din ang twins nina Lorraine at Phoebe, eight years old na rin sina Parslee and Paisley, ang lalaking kapatid naman na si Lari ay four years old na, habang Georgina naman ay mag e-eight pa lang at may lalaking kapatid din ito na four years old na si Lorenz. 

"Mommy Aliii!" Maya-maya lang, naririnig na ang iyak ni Analei habang may hawak itong fried chicken.

Napatingin naman si Alicia sa anak na umiiyak. Papunta dapat siya sa kitchen upang tumulong sa gawain. Agad naman rumehistro sa mukha niya ang pag aalala.

"Why? What happened po?" Tanong ni alicia habang binubuhat ito. Lumapit naman agad si Resia upang tignan ito.

Si Resia naman ay tinigil ang pag hiwa ng mga prutas at inabot kay Gab ang kutsilyo. Kinuha naman agad si Analei at pinunasan ang luha, "anong nangyari?"

Tinuro ni Analei si Ana na nakatitig sa kaniya. "Si ate, kinuha yung cake ko po." 

Napailing na lang si Resia bago napatingin sa kaniyang asawa. Heto na naman ang kanilang mga anak, nagsisimula na naman sila.

"Hindi ko naman po kinuha mommy Ali eh, tumikim lang po ako ng icing eh." Nakapout na sabi ni Ana habang paiyak na ito.

Ganyan talaga silang magkapatid. May pagka makulit naman talaga si Ana, pero mas nangunguna na mangaway ang kaniyang kapatid na si Analei. Mas madalas pa nga siyang awayin ng kapatid kaysa siya ang mang away dito.

"Ang maldita mo, kanino ka bang anak?" Tanong ni Ana na nakapag patawa sa kanilang lahat. Maging si Alicia ay hindi napigilan ang halakhak.

 Lumapit naman si Gab at pinayakap si Ana sa kaniya, "wag nyong aawayin ang pumpkin ko ha. Kayo talaga."

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon