Chapter 35

56 6 4
                                    

ALICIANNA'S POV

I was crying in pain but resia is not with me anymore. Gustong-gusto ko na sya puntahan at magmakaawa na bumalik na lang sya sa akin but I can't do it.

It's been three months since she left me. And now, I guess that she is happy with her. She's finally back to her arms.

Resia found her genuine happiness with her. Three months ago, she confessed what she really feels.

Akala ko dahil lasing sya kaya sya nakapag confess at malakas ang loob nya. Pero sabi niya hindi siya lasing at alam niya ang ginagawa nya.

She said that she is having a secret affair with imarri. Napilitan lang siya na pakasalan ako five months ago. Pagkatapos niyang sabihin yon, parang nawala lahat ang lakas na mayroon ako sa aking katawan.

I was the happiest bride in the world during our memorable day. Kasi ikakasal ako sa taong mahal na mahal ko. Sya yung pinangarap ko eh. Wala namang iba. But when I looked into her eyes, bakit taliwas sa nararamdaman ko? I saw a guilt, pain and longing.

Guilt because she married the person na hindi naman nya gusto pakasalan.

Pain dahil nasasaktan sya sa sitwasyon na pinasok niya. Napilitan lang naman kasi siya.

And longing, she's longing for imarri's love.

"Bakit hindi na lang ako?"

"Alicia, I can't love you anymore like I used to." Resia. It feels like I received thousand stabs of knife in my chest.

"Ganoon ba ako kadaling palitan?"

Awang awa ako sa sarili ko habang kinakausap ko siya. Kung dati todo bigay sya ng pagmamahal sa akin, bakit ngayon nagmamakaawa ako?

Bakit ngayon nang hihingi ako ng pagmamahal?

"You promised me theresiannie na ako lang. Bakit mo sya binalikan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapahikbi habang nakatitig sa kaniya.

"I just used you para makalimutan siya, pero hindi. Mas mahal ko pa rin siya kahit na ilang taon na ang nakalipas." Resia.





"Ali,"

"Ali," may isang tapik akong naramdaman sa pisngi ko at pilit niya akong ginigising.

Pag mulat ko nakatitig sa akin si resia. She also dried my tears.

"What happened?" tanong niya sa akin habang nakatitig pa. Agad ko siyang sinipa at tinalikuran ko.

"Aww." Daing niya. Hindi ko alam kung saan sya natamaan dahil sa inis ko.

"Bakit mo ba ako sinipa?!" Malakas na pagkakasabi niya at naupo sya sa couch.

"Doon ka kay imarri! Magsama kayo! Hindi yung lolokohin nyo pa ako!" Sigaw ko at kinuha ko ang unan bago ko itakip sa mukha ko.

Akala ko hindi na siya mag rereact pero tumabi sya muli sa akin at inalis ang unan na nasa mukha ko. Nakangisi ang bruha.

"Kailan kita niloko?" Resia. Nakakunot noo pa siya halatang nagpipigil ng tawa.

"You chose her over me!" Inis kong saad sa kaniya. Nakita ko siyang tumawa pero hawak pa rin niya ang kaniyang puson. Mukhang doon ko siya nasipa kanina.

"Anng sweet sweet nyo pa! Magkahawak kamay pa kayo ni imarri!" Anas ko sa kanya.

Aba, tawang tawa ang gaga. Akala yata nakikipag biruan ako.

"Mahal, it's just a nightmare. Hindi kita lolokohin no." Saad ni resia habang nakatitig sa akin.

Tila kumalma naman na ako dahil sa titig niya. Kaya pala basa yung pisngi ko, dahil sa pagluha ko. Tumitig sya ulit bago niya ako niyakap.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon