GENERAL
Kanina pa nakasimangot si Resia habang nagbabasa ng mga articles at mga libro. Pero sa kalooban niya, wala naman talagang pumapasok sa isip nya. Napapabuntong hininga na lamang sya dahil sa nangyari at masama ang loob niya.
Hanggang sa nakatanggap sya ng message mula kay alicia.
Pero hindi na muna sya nag reply. Naiinis sya dito. Ilang minuto pa rin siya nagbasa basa bago niya bigyan ulit ng pansin ang message ng girlfriend nya at nireplyan na niya ito.
Sino ba naman hindi sasama ang loob kung akala mo sumunod na ito sayo pero tumakas pa rin? Alicia attended on Matthew's birthday party.
"Ako pa naka reversed card, tsk." Napapailing na lamang sya. Malakas talaga topak ng girlfriend niya.
"Grabe talaga, tila dragon kung magalit. Tapos magiging sweet. Edi i love you too." Saad ni resia sa kanyang sarili bago kunin ang susi ng kanyang sasakyan.
Flashback
Nakauwi na sila galing sa Baguio. Hapon na nang dumating sila. Hinatid na rin ni Alicia si Resia sa bahay nito.