Chapter 96

130 9 21
                                    


THERESIANNIE's POV

Ang bilis nagdaan ng mga araw. We're on our trimester na. Our baby is 35 weeks now, which means eight months na. Parang kailan lang nag pa gender reveal kaming dalawa. 

We're here at the balcony, kumakain ako ng pritong indian mango. Oo na, alam kong dapat normal na ang food na ike-crave niya, pero hindi. Jusko, sana naman mabalik na ang normal na taste buds nitong fiancee ko.

"sarap, love?" tanong niya sa akin habang siya nakatitig pa. Kaya wala akong takas sa mga kakainin ko e. Ganito siya, nakatitig siya sa akin. So no choice kundi lunukin ko talaga ito. Bahala na mamaya kung ilang beses ako babalik sa banyo.

"masarap naman, amore mio." saad ko sa kaniya at ngumiti ako. Parang kaunti na lang, magiging normal na para sa akin ang mga ganitong lasa ng pagkain.

Grabeng pag bubuntis ito, parang naging explorer ako lalo na ang mga kaibigan namin. Lalo na yung pinakuha sila ng suha. Konting cravings na may rant sa buhay. 

flashback 

"love, may ginagawa kaya ngayon sina lorelei at lorraine sa senado?" tanong niya sa akin sabay upo niya sa lap ko at ni-wrap niya yung braso ko sa kaniy. Nagpapalambing naman ang bebe na yan.

"wala, ali ko. Hindi daw sila nag work ngayon. Bakit?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang kasunod nun.

"Papuntahin mo rito si lorelei at si lorraine please? Gusto ko ng suha. Pero galing sa nakaw."

"ano??"

"Eh yun nga gusto ko eh. Tska gusto ko kulay pink yung laman ha. Ayaw ko yung white na laman ng suha." Ali. Napa facepalm na lamang ako sa kaniya.

"Hindi ka pa talaga nadala doon sa hinabol akong aso no?" sabi ko sa kaniya. Nilingon niya ako at natawa siya. 

"ahahaha eh kase ang bagal bagal mo tumakbo eh!"

"anong mabagal ka diyan, iniwan mo lang talaga ako!" saad ko habang natatawa na lang din dahil sa karanasan ko na iyon.

Of course, tinawagan ko silang dalawa at pinapunta ko rito sa bahay. Hindi ko muna sinabi ang dahilan dahil baka hindi sila tumuloy. And when they came, tuwang tuwa si ali. Natatawa na lang ako noong makita ko na umirap si lorraine. Mukhang alam na rin niya at malapit na rin itong maimmune sa mga ginagawa ni ali sa kanila, lalo na sa kaniya.

Ayun. Hindi naman sila makapag 'no' kay ali, kung mahal nila akong kaibigan nila, mas mahal nila si ali. And I am thankful for it.

After siguro ng 45 minutes, bumalik sila sa bahay. Pawis na pawis silang dalawa at mukhang pagod. 

"Ano nangyari?" concern kong tanong sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang pagod nila pero hindi ko maiwasan na huwag matawa dahil yung itsura nila ngayon, parang hindi sila tumigil na maghanap ng suha. 

"Naghahanap kami ng puno ng suha kanina. Tapos itong si lorelei ang sumungkit. Kaya lang first attempt ay failed. Nakita kami noong may ari." Lorraine. 

Rinig ko ang malakas na tawa ni ali. Naka upo siya sa tabi ko at kumakain siya ngayon ng pritong hotdogs. 

"Second attempt. Sa ibang bahay naman kami kumuha. Wala naman tao roon, kaya lang makikita nila yung mga suha na sinungkin namin nandoon lang sa bakuran nila. Hindi kasi pink yung kulay noong laman. Pinaghihiwa namin para makita namin kung pinkish ba yung laman pero hindi talaga." Lorraine.

"Pero may suha kayong dala?" excited na tanong ni alicia sa kanila. Tumango naman si lorraine habang napilitang ngumiti.

"Meron. Isang malaking plastic ng suha yan, pinkish ang kulay ng laman. Muntik lang akong maging kwento. May nahulog na ahas mula doon sa puno. Akala ko bunga lang, yun pala may naka palupot na ahas doon!"  Ngayon naman, ramdam ko ang inis ni lorraine.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon