Chapter 9

75 6 1
                                    

GENERAL

Kanina pa sila sa bar pero hindi sila masyadong nagpapakainom. Gusto lang nila mag unwind at mag relax.

Hanggang sa may itanong si alicia sa kanya.

"Mahal, paano kung bumalik ex mo?"

Tanong lang ba yan o nag hahanap ng pag aawayan?

"Mmmm?" tanging nasagot ni resia sa kanya.

"Huwag mo ko sagutin ng ganyan, I can make it louder." Alicia. Muntik naman masamid si resia sa iniinom nyang vodka.

"Cause of death—— nasamid?" Alicia.

Nag glare naman sa kanya si resia. Kanina pa kasi niya ito binubwisit.

"Anong meron sa ex? Kahit yata bumalik di ko na papansinin. Huy, seryoso ako sa'yo no. Lagot ako sa nanay mo kapag iniwan kita baka di na ko makapasok sa lugar nyo."

"Sure ka?"

"Sure." Sinabayan pa nya ito ng tango nang paulit ulit.

"Eh sino yon?" Sabay turo ni alicia sa entrance ng pinto at tumingin naman doon si resia. Pagbalik niya ng tingin kay alicia ay naka death glare na ito.

"So titignan mo?" Tila may pagbabanta sa boses nito.

"Hindi."

"Eh bakit ka tumingin?" Sabay taas ng kaniyang kilay.

"Kasi tinuro mo."

"Asus theresiannie, miss mo no?"

"Hindi. Kasi girlfriend ko pa lang ngayon" sabay ngisi niya kay alicia kaya hinampas sya nito sa kanyang lap. Napa igik naman sya sa sakit.

Inaya naman sya ni resia na pumunta sa gitna at sabay silang nag sayaw. She wrapped her arms around her waists and pulled alicia closer to her.

Napatitig sya sa kagandahan ng girlfriend nya.

"Mukhang ito talaga ang hahanap hanapin ko araw araw" sabi ni resia habang nakatitig sya dito.

"Aba dapat lang. Sa ganda kong ito, dami kong nabasted, ikaw lang nagtagumpay."

"Naks. Ako na to eh, si Ana Theresiannie Honall na to." Sagot ni resia at mas nilapit pa ang mukha kay alicia. Konti na lang ang pagitan ng mga labi nila.

"Anong dinasal mo at napasagot mo ko?" Alicia. She's staring her eyes then her lips. Mukhang dinidistract nya ang kasintahan.

"Wala, ritwal lang tuwing Monday, Wednesday at Friday" Resia. They both laugh in unison.

Dinampi ni resia ang labi niya sa labi ni risa bago ulit sila mag sayaw.

Ngunit sa pag eenjoy nila ay mas may tama na ng alak si alicia. Mahina kasi ang tolerance nito sa alak.

"Babyyy," hinawakan ni alicia ang mukha ni resia at pinaka titigan ito. Maya maya ay nag pout pa.

"Lasing ka na, uwi na tayo." Pag aaya ni resia sa kanya at inalalayan ito na maglakad palabas ng bar.

Sumusunod naman sa kanya si alicia ngunit halos naka sandal na ito sa kanya.

"Amore, ayos kang tayo. Mag hihintay lang tayo ng masasakyan, babalik na tayo sa hotel." Sabi ni resia sa kanya.

Paulit ulit naman ang pag poke ni alicia sa pisngi ni resia kasabay ng kaniyang pag tawa.

"Ganda ganda ng girlfriend ko. Sarap ikiss." Alicia. Yumakap pa ito sa kanya. Nararamdaman niyang nakakatulog na ito kaya naman niyakap nya rin pabalik.

Mabuti na lang may nasasandalan siyang pader.

"Alicia"

"Ay, hindi na amore mio tawag mo? Hindi mo na ako love nyan?" Ay gising pa. Kahit yata lasing ito, hindi sya mapipigilan na barahin sya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon