ALICIANNA's POV
Theresiannie is not around. Pumunta sya sa senate para sa bagong kaso na inaasikaso nila ngayon. Sabi ko huwag sya mag tagal doon and uwi sya agad kasi namimiss ko siya. Hindi lang naman ako eh, yung baby naming dalawa.
Everything is going well.
Payapa ang kapaligiran.
Wala na halos traffic jam sa daan.
Wala ng polusyon sa Pinas.
At higit sa lahat,
Hindi na rin mga corrupt ang naka upo sa senado.
Charot.
Sinong niloloko ko?
Tanungin ko nga yung fiancee ko tungkol sa Philhealth baka may naisubi sya kahit 100M, edi hati kame! De, joke ulit.
Malinis ang konsensya ng fiancee ko, walang bahid dungis. Kulang na lang sya ang gawing kanang kamay ni San Pedro sa langit dahil sa kalinisan nya.
Like what I've said, everything is going well. Alam na ni theresiannie yung routine nya palagi kapag kasama nya ako. Sya rin naman minsan nag iinsist na huwag ako kumilos nang kumilos eh.
Feeling ko nga ang pangit ko na kasi ang taba ko. Baka ipagpalit ako nito sa mas maganda!
Ganito pala talaga kapag buntis eh, maraming naiisip na walang kwentang bagay minsan dahil sa hormones at sa mood swings.
Sana pala sumama ako sa senate, pero hindi niya ako magising nang maaga kasi antukin ako ngayon. Lagi ako inaantok nga kahit saan kami magpunta.
Nahahalata na rin yung baby bump ko and I am happy with that.
Naaalala ko pa rin si alita alir, malaki na sana sya ngayon. Baka kung nabuhay sya, aliw na aliw rin si theresiannie sa kanya.
Kinuha ko yung phone ko and nag message ako kay theresiannie.
Mamayang 6 pm pa sya makakauwi? Anong gagawin ko rito sa bahay?! Feeling ko hindi ko kaya talaga na wala sya ngayon.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
Hayran KurguA couple who experienced rough patches in their relationship.