GENERAL
Hatinggabi na ngunit iyak pa rin nang iyak ang kanilang anak. Ayaw nitong magpalapag sa kaniyang higaan, ang gusto lamang nito ay naka karga. Magmula kasi kaninang hapon ay wala na itong ibang gustong samahan kundi ang kaniyang mommy alicia. Palagi ang iyak nito sa kanyang mama resia, maging sa kaniyang mga lolo at kaniyang lola ay umiiyak siya.
"Love," pagtawag ni alicia kay resia at marahan niya itong inuugoy upang magising. Halos katutulog lang din nga naman nito dahil inaral niya ang kaso ni shamara, malapit na kasi itong makalaya.
"mmm?" Nagkusot ng mata si resia bago umayos siya ng upo. Mukhang idlip pa lamang ang kaniyang nagagawa.
"May sinat si baby." Sabi ni alicia habang kumukuha ng damit upang palitan ito ng suot. "Dalhin na natin sa clinic si ana, bago pa tuluyan lagnatin to."
Inaantok man, tuluyan nang tumayo si resia mula sa pagkakahiga at hinaplos ang noo ni ana. May sinat na nga ito kagaya ng sabi ng kaniyang fiancee. Lumabas na siya ng kwarto ng anak upang pumunta sa sarili nilang kwarto at kunin ang susi ng kaniyang sasakyan.
Habang papunta naman sila sa clinic, tahimik lamang silang pareho. Ngunit ramdam ang pag aalala sa kanila, lalo na si alicia.
"Tahan na mallows ni mommy" Paglalambing niya rito habang hinahalik-halikan ang kamay ng anak.
Mallows. Mataba at malambot kasi ang pisngi nito kaya tinawag niyang mallows. Kung pwede lang pang gigilan ang pisngi ng kanilang anak ay kinagat kagat na niya ito.
Resia started to hum a song entitled You Are My Sunshine. Iyon palagi ang kinakanta niya o kaniyang hinu-hum kapag siya ang nagpapatulog dito.
Maya-maya lang ay unti-unti nang humihina ang iyak ng kanilang anak. Napangiti naman doon si alicia at hinaplos niya ang buhok ni ana.
"Boses lang pala ni mama resia makakapag patahimik sayo eh. Sleep na baby namin." Pag baby talk niya ulit dito at pinadapa sa kaniyang dibdib. Bahagya rin naka recline ang kaniyang upuan upang mas makadapa ang kanilang anak.
Patuloy naman sa pag kanta si resia habang nagdadrive hanggang sa makatulog ito.
Pagdating nila sa clinic, agad naman na chineck up si ana. Mabuti na lang, 24 hours na bukas ang clinic na pinuntahan nila.
Binigyan naman sila ng gamot at vitamins para kay ana. Sinabi rin ng doctor na baka kaya nagsusungit si ana dahil masakit ang ulo nito dahil sa sipon.
Ngunit bukod pa doon, sinabi din ng doctor na isa sa symptoms ng teethering o pag tubo ng ngipin ni ata ay ang pagka irita. Napansin din ng doctor na may swollen gums na ito at nagdo-drooling na sya o ang pagtulo ng laway.
"Naku doc, kaya po pala nanggigigil sa akin talaga to kapag nagbebreastfeed." Saad ni alicia habang mahinang tinatapik tapik ang hita ni ana upang hindi ito magising.
Nang sila ay makauwi, agad naman niya na pinainom ito ng gamot upang makaginhawa kahit paano. Nilagyan niya rin ng cooling patch for fever ito sa noo. Alicia asked her fiancee to take a nap. Alam niyang pagod kasi ito.
She is so thankful that even she's tired, sinamahan pa rin sya nito sa clinic para ipagamot ang kanilang unica hija.
Alas tres na nang makatulog si alicia kaya naman si resia naman ang pumalit na magbantay sa kanilang anak.
8 am nang magising si alicia. Pag gising niya, wala sa tabi niya ang kaniyang mag ina. Lumabas siya ng kwarto ng kanilang anak at tumungo sa sarili nilang kwarto. Nagsuklay lang siya ng kaniyang buhok at pumunta sa banyo upang mag hilamos at magtoothbrush bago lumabas ng kanilang kwarto.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.