ALICIANNA's POV
We went to our obgyne and after that inaya ako ni theresiannie na maglakad lakad dito sa labas. Sa totoo lang, ang bilis ko mapagod. Nahihirapan na rin ako bumangon mag isa. Pati pagsuot ng mga sandals ko, hindi ko na magawa. Naiipit na yung tyan ko. Pati pag suot ng underwear ko struggle na rin sa akin.
"nkasimangot ka na naman ha? Ang ganda pa naman ng mood mo kanina?" sabi niya sa akin habang hawak ang kamay ko.
"naiinis ako sayo na naman kasi! Paano ba naman, hindi mo ko tinitigilan na tawagin penguin!" Oo, sa lahat ng naiisip ko, yung dahilan noon yung lintek na penguin.
"Tapos pakiramdam ko ang pangit pangit ko na. Para na akong balyena sa laki, theresiannie!" Hindi ko mapigilan na hindi ilabas ang dilemma ko. Baka kaya ayaw ako pakasalan nito kasi ang pangit ko na.
"Mommy ali, maganda ka." Theresiannie.
Yan ganyan dapat. Edi kumalma na ako ngayon. Gusto ko lang talaga marinig na kino-compliment niya ako. Ayaw ko naman sabihin na gusto ko kinocompliment ako, I want her to do it na kusa niya, yung hindi ko sinasabi.
Pero dahil gusto ko mag demand na hindi niya nalalaman, gumagawa akong paraan.
Kapag gusto ng lambing, awayin natin.
Ako lang pala. Humanap kayo ng jowa nyo.
"Mabuti naman. Kasi kung sinabi mong pangit ako, baka hinulog kita dito sa compost pit." Saad kosabay turo sa kanyo noong compost pit na malapit lang sa amin.
Pag uwi namin, may luto na si yaya rodormina na food. Sinabayan niya lamang ako na kumain tapos umalis na siya. Pero sabi niya, sasaglit lang sya doon sa senado.
Akala ko maghapon akong mag isa dito sa bahay. But mommy amelia came kaya nakapag usap kaming dalawa. She told me something about my daddy angelito. Mukhang nagpaparamdam na naman yata sa kanya.
Teka, buhay pa ang daddy ko ha. I mean, may balak yatang bumalik sa kaniya.
"Para kayong mga teenager, mga pakipot. Baka mamaya malaman ko na lang, buntis ka na rin mommy" Hirit ko sa kaniya pero marahan lang ako nito na hinampas sa braso.
"Loka ka naman anak. Menopause na ako ano! Daddy mo nga hindi ko alam kung marunong pa ba yan lumaban sa gyera." Mommy. Muntik ko sa kaniya maibuga yung milk na iniinom ko. Si mommy naman! Iisipin ko talaga, tinuruan to ng mga amiga niya ng mga ganitong salita.
"mommy naman! ikaw kung saan mo po nakuha iyan. Kung gusto mo balikan si daddy, edi go."
"Hay nako anak, ayaw ko na balikan ang daddy mo ano. I am happy for being single." Mommy amelia. Pinaghiwa niya ako ng fruits habang ako nakatitig lang sa ginagawa niya at umiinom lang ng gatas.
"Sus, baka sa susunod may malaman na lang ako umuuwi si daddy sa bahay ah." Hirit ko pa habang natatawa sya sa akin.
Tuwang-tuwa si mommy noong pinahawak ko yung bump ko, naramdaman nya na nag kick si A. Sabi niya doble ingat daw ako at huwag ako kung saan saan pumunta kasi malapit na talaga, ilang weeks na lang manganganak na ako.
Lunch time noong nakauwi na si theresiannie. Sumabay na muna sa amin si mommy na kumain and then nagkwentuhan sila saglit. After that, umuwi na rin si mommy. May pupuntahan pa siya at aasikasuhin.
May program dito sa hometown namin and hindi ganon kalaki ang pondo kaya nagbigay ako sa kaniya para ipaabot sa munisipyo.
"Love, kapag nanganak na ako and keri ko na mag work, babalik ako sa pagiging mayor ha?" Paalam ko sa kaniya habang nanunuod kami ng movie.
Napatingin naman sya sa akin na tila nakakunot ang noo.
"Ayaw mong maging full time mom?" Tanong niya habang inaabutan ako ng popcorn.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.