GENERAL
Nasa isang coffee shop naman sina alicia at si resia. Umiinom sila ngayon ng mainit na kape. Nakatulog na sila sa tinutuluyan nilang hotel. Nagpahinga muna sila dahil malayo din naman ang byinahe nila. Lalo si alicia na pagod sa pag dadrive.
Ayaw nya kasing mag drive si resia, dahil nga baka bukas pa sila makarating sa pag iingat nito mag drive.
Kahit na naka jacket na si alicia ay sumusuot pa rin sa katawan niya ang lamig. Umuulan kasi kanina noong lumabas sila. Malakas rin ang hangin kaya naging foggy din sa baguio lalo.
"Amore mio," tawag ni resia sa kanya upang makuha ang kanyang atensyon. Pinalapit pa ni resia ang upuan ni alicia sa kanya.
She grabbed her hands and rubs it using hers. Napatitig naman si alicia sa ginagawa ng kasintahan. Napangiti sya kay resia.
"Hindi mo yata dala yung violet mong jacket?" Usisa ni alicia.
"Ayoko. Pinahiram ko sa'yo yun, sabi mo mukha kang walking ube halaya!" Reklamo nito sa kanya. Akala niya ay nalimutan na ng kasintahan yun.
Tinawanan na lamang nya ito at mas siniksik pa ang sarili kay resia. Maya maya ay inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay at mas niyakap nya.
"Ang poganda mo naman, ana theresiannie." Alicia
"Inlove na inlove ka sakin no?" Resia
"Aba oo naman. Ikaw? Hindi ka ba patay na patay sakin?" Alicia
"Sino may sabing hindi? Papatayin ko?" Resia.
After nilang magkape, lumabas na rin sila ng coffee shop. Tumila na rin ang ulan at unti unti na rin nagpapakita ang araw. Magkahawak kamay silang naglalakad sa tabing daan.
Marami na nga silang nakikitang mga nag chalk painting sa mga daan at pinag mamasdan nila yun.
Others offered to took some pictures of them. Binigyan din naman sila nito ng copies ng mga pictures nila. Ang isang maliit na size ng picture ay nilagay ni resia sa case ng phone nya.
"Ayos to oh, panakot sa daga." Saad ni resia habang binabalik sa phone nya ang case once na naiayos nya yung pictures nila.
"Ah talaga ba? Hina mo. Ito pwede ko to ibigay sa nambabarang." Sagot ni alicia sa kanya.
Nagsukatan pa sila ng tingin at maya maya lamang, nagtatawanan na silang dalawa.
Mga baliw. Palibhasa mga inlove.
Sumakay muna sila sa isang swan boat. Wala naman pinalagpas si alicia dahil palagi ang kuha niya ng litrato kay resia. Mukhang bawat angle yata nito ay may kuha sya.
Kinuhanan nya rin ito ng video. Hindi kasi matapos ang paulit ulit na pag thank you ni resia sa kanya.
They both appreciated the beauty of the nature. Hanggang sa ang usapang yun ay napunta sa politics. Like what should they do to save the earth and nature if they will become the leaders.
"Kawawa naman kasi ang susunod na mga henerasyon kung hindi nila makikita yung ganda ng kapaligiran." Yun na lamang ang nasabi ni alice habang nag dadampot ng mga pinagbalatan ng candies at nilagay sa trash bin.
Pagkatapos sa swan lake, naglakad lakad na naman sila. Then they found a perfect spot. Tanaw nila ang kabundukan pati na rin ang iba pang mga puno.
Naka akbay sa kanya si resia at nag picture silang dalawa. She even kissed alicia bago iclick ang camera nila.
Ma battery low sana yung camera.
Papalubog na rin ang araw. Mula sa pwesto nila, matatanaw nila ang kagandahan ng sunset.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.