Chapter 108

184 17 37
                                    

GENERAL

Nagmamadali si resia na pumunta sa clinic kung saan dinala ang kanilang anak. Kabado siya habang papasok siya sa kwarto kung nasaan ang kaniyang mag ina.

"Ali," tawag nya kay alicia habang papalapit sya sa bed kung nasaan ang kanilang anak. Sinamaan lang siya ng tingin ni alicia bago ibaling muli ang attention nito kay ana. Ngunit bago yun ay hinagisan siya nito ng isang feeding bottle ni ana.

Mabuti na lang ay nakaiwas siya agad. Agility checked.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina, nawala ka na parang bula tapos bumalik ka?" Bakas sa boses ni alicia ang inis sa kaniya.

Hindi niya gusto na maging ganito sila pagkatapos ng pasko. Magbabagong taon pa naman.

"How's addi?" Iyon na lamang ang tinanong niya upang hindi na humaba pa ang sagutan nila. Pag uwi na lang niya ito kakausapin. Tinignan niya si ana na natutulog at nakayakap ito sa isang braso ni alicia.

"She's vomiting earlier. Iyak din nang iyak, masakit yata ang tyan. Ang sabi ko sayo kanina, mag timpla ka ng bagong milk niya kasi gutom na sya. Habang ako aasikasuhin ko na kunin yung mga damit niya galing sa laundry area. Anong ginawa mo? Binigay mo yung feeding bottle na may panis na gatas." Naiinis na saad ni alicia sa kaniya habang nakasimagot ito.

Kahit naman kasalanan ni resia, may karapatan naman itong malaman kung ano ng balita sa kanilang anak.

Kasalanan naman niya kasi talaga kanina. Masyado siyang lutang nang kausapin sya nito kaya hindi niya iyon masyadong naintindihan. Nag away kasi sila bago siya pag bantayin nito ng kanilang anak.

"Sorry, mommy Ali." Akmang lalapitan niya ito pero tumalim ang tingin nito sa kaniya.

"Sorry, lutang lang ako talaga after what happened. Ang intindi ko, ibigay yung milk na nakatimpla na." Resia. Tumaas tuloy ang isang kilay ni alicia sa kaniya.

"So hindi mo ichecheck yung mga natimplang milk bago mo ibigay sa kanya?" Alicia. Hindi na siya sumagot sa halip ay umiling na lang sya. Hindi niya magawang bwisitin ito lalo dahil baka di na talaga sya makauwi sa kanilang bahay.

Napatitig siya kay ana at napabuntong hininga siya. Hindi naman niya gusto na maipahamak nya ang kaniyang anak.

"Addi," hinaplos niya ang buhok nito bago niya hinalikan sa noo. Bahagya rin na nag crack ang kaniyang boses dahil sya mismo ay nasasaktan sya para sa kanilang anak.

Tumikhim si alicia kaya napa ayos sya ng upo.

Hinawakan niya sa kamay si alicia pero sadyang naiinis ito. Hindi nga siya nito tinitignan sa mata. Pabigat na nang pabigat ang nararamdaman niya. Hindi niya kaya na hindi siya nito kinakausap at hindi pag masdan.

"amore mio," pag tawag niya dito pero wala pa rin epekto.

Kaya kahit ayaw siya nitong kausapin ay tumabi siya rito at niyakap niya bago isiksik ang kaniyang mukha sa leeg ng kaniyang fiancee.

"Lumubay ka, theresiannie." Saad nito sa kaniya. Malumanay ang pagkakasabi na iyon ni alicia habang kinakalas nito ang pagkakayakap niya.

Pero sadyang pasaway siya kaya naman dinantayan nya pa ito at mas hinigpitan ang kaniyang yakap.

"Doon ka na sa babae mo. Hatinggabi na magkausap pa kayo? Nakikipag tawanan ka pa? Ang saya mo naman na kausap sya?" Alicia.

Heto na nga ba ang sinasabi niya. Nagsisimula na mag alburoto ang bulkan at tila lalabas na ang apoy sa bunganga ng dragon.

Nagseselos si Alicia.

Hindi lang basta selos yun dahil may halong galit.

"Kaya ka laging busy sa phone mo kapag may free time ka sa trabaho kasi yun ang inaatupag mo. Yung una pinalagpas ko pa eh, yung pangalawa sige pwede pa ulit. Ang nakakainis lang kasi, minsan na lang tayong dalawa mag alaga sa anak natin, hati pa attention mo." Mahabang litanya ni alicia sa kaniya habang inaalis ulit ang pagkakayakap niya.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon