Chapter 30

72 6 4
                                    

GENERAL

Several days to go, election na. Hindi madalas magkita ang magkasintahan dahil sa sunod sunod na campaign na kanilang ginagawa. Nakakatulugan din nila minsan na magkausap sila through call.

"Nag message na ba si ali?" tanong niya kay lorraine, kanina pa kasi nito hawak ang phone ni resia dahil nagpapa picture sya.

"Wala pa syang message, sen." Saad naman ni lorraine sa kanya at tumango siya. Nag message kasi sya dito na pagkatapos ng campaign nila ay pumasyal naman sila. She missed her. Pinapanuod na lang nga niya ang mga videos nito sa facebook na nangangampanya habang sumasayaw ng dayang dayang.

She missed her so much. They should celebrate today because today is their day. Bonding time. Date. Landian at harutan.

Pero mukhang hindi naalala iyon ni alicia. Pagkatapos ng campaign niya, pumunta naman sya sa isang barangay na ng problema ay ang kanal nila. Agad naman niya itong inaksyunan kaya agad na nakabili ng materyales ang kaniyang mga tauhan upang magawa na yon agad.

Nagpasahod naman sya ng mga tauhan nila sa farm. Tinitignan nya rin kung tama ba ang distribution ng mga itlog base sa sizes nito.

Pag uwi niya ng bahay ay pagod na pagod sya. Tila hinihila agad siya ng kama.

Nag asikaso na sya at humiga. Pag tingin niya sa kaniyang phone ay shutdown ito. Na low battery pa. Chinarge na nya muna ito at humiga saglit. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala sya.

Sa kabilang dako naman, hintay nang hintay si resia. Kanina pa sya naka asikaso ngunit wala pa itong natatanggap na mensahe mula sa kasintahan.

Hanggang sa tinawagan nya na ulit ito.

Pangatlong call nya ay may sumagot na.

"Hello?" Halata sa boses nito na kagigising lamang.

"Amore mio" tawag niya kay alicia.

"Hala mahal, ikaw pala. Sorry, I fell asleep po habang nagchacharge ng phone. Nag shutdown eh. Naka asikaso ka na ba? I'll prep na" saad nito mula sa kabilang linya. Na sense naman ni resia na sobrang pagod ng kasintahan.

"Are you wearing pajamas na ba?" She asked.

"Yes po. Pero magpeprepare na ako."

"No na. I'll go na lang dyan. Dyan na lang tayo mag celebrate." Sabi ni resia habang nakangiti kahit hindi naman nakikita yun ni alicia.

"Are you sure? Baka may pinareserve ka tapos di natin pupuntahan po ha, sayang yun." Naka baby talk na saad nito sa kaniya. Hindi niya maiwasan na di mapangiti.

"Wala akong reservation now. Wait mo na lang ako ha? Papunta na ako."

"Okay mahal! Drive safe theresiannie ko. Then dito ka sleep po ha." Saad ni alicia sa kanya.

"Yes po. Bye na, see you later." Saad ni resia bago iend ang call. Kinuha na niya ang kaniyang bag at susi ng kaniyang sasakyan. Paglabas niya, nakita nya doon sa labas ng gate si imarri na hinihintay sya.

"Imarri, it's getting late. Why are you here?" Saad niya dito at hininto ang sasakyan.

"Resia, just give me five minutes. I'll just explain what really happened." Imarri. Nagmamakaawa ang mga mata nito sa kaniya.

Pag ba pinagbigyan nya ito ay titigilan na sya?

"Okay, five minutes. Pakibilisan dahil pupuntahan ko pa si ali." Saad niya at tinignan niya ang kaniyang relo.

"Resia, I am sorry for leaving you the day before our wedding. My mind was just so fucked up that time. Alam mo na ayaw ng pamilya ko sayo diba? But I chose you over them, resia." Nag sisimulang magtubig ang kanyang mga mata.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon