ALICIANNA's POV
Maaga ako nagising pero walang theresiannie na nasa tabi ko. Aba, ang tibay ng babaeng yon. Hindi ko sya susuyuin. Hindi pa sya pumunta dito sa kwarto kagabi, edi sana may kayakap sya.
Hindi naman nya kasi alam na bukas ang pinto.
Napabuntong hininga na lang ako, kausap ko na naman konsensiya ko. Pero kahit na, kasalanan nya yun.
Akala mo walang girlfriend na kasama kahapon sa campaign. Tila yata pati sya gusto niyang mapilay.
It's 7 am. Inayos ko na ang kama ko at nag asikaso na ako. May gagawin pa ko ngayong araw. Yung mga papers ng farm ichecheck ko pa pati yung mga sahod ng mga employees ko.
Imbis na bumaba ako, kinuha ko ang phone ko then I message yaya dora. Dormi sounds like dirty, edi dora na lang tutal palagi naman sya nag gagala dito sa loob bahay.
Maya maya ay nag reply na sya sa akin. 2024 na, nasa ganitong typings pa sya?
Pilit ko na lang inintindi ang kaniyang message dahil nga nagugutom na ako. Maraming papers na ang nakatambak dito sa kwarto ko na need ko pa rin ayusin.
Konti na lang mawawala na ako sa katinuan sa pagkausap sa yaya namin na to. Mabuti na lang mabait sya at mapagkakatiwalaan naman. Matagal na sya dito sa amin pero minsan napapaisip ako paano ko ba napag tiyagaan ito? At alam ko naman na kapag nag resign to e mamimiss ko.
BINABASA MO ANG
La Vie en Rose
FanfictionA couple who experienced rough patches in their relationship.