Chapter 57

168 12 12
                                    

THERESIANNIE'S POV

Ginugol ko ang aking oras sa senado. May isang kaso na naman akong pag aaralan kasama sina lorraine at lorelei. Hindi ko na rin gaano inoopen sa kanila ang tungkol sa amin ni ali..cia.

"Pupunta ka ba mamaya, lorelei?" tankng ni lorraine kay lorelei habang nagbubuklat ito ng papel.

"Aba, oo naman no. Namimiss ko na yon eh." Lorelei. Napatingin ako sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag uusapan.

"Mukhang wala kayong balak na ayain ako? Saan ba yan?" tanong ko sa kanila pero mga hindi na sila sumagot.

"Hoy, tinatanong ko kayo. Bakit ngayon tutok kayo dyan sa mga gjnagawa ninyo?" I asked them again.

Tumitig sa akin si lorraine na parang sinisigurado kung gusto ko ba malaman ang pinag uusapan nila.

"Alam mo, resia my friend. Kawawa ka." Saad ni lorraine kaya napatawa si lorelei sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Hindi mo alam ang ganap sa asawa mo." Dugtong pa niya at muling nagseryoso siya sa kaniyang ginagawa.

"Anong meron?"

"Wow. Samantalang dati, suportado ang asawa. Palaging naka update sa amin kung anong achivements ni alicia bilang mayor. Tapos ngayon, kami ang tatanungin mo kung anong ganap ng asawa mo? Kabit ba kami?" Lorraine.

Ramdam ko ang inis sa kaniyang boses habang sinasabi niya yon sa akin.

Hindi ko na nga pala siya nakukumusta. Kahit nga tignan ko ang mga pictures naming dalawa, hindi ko magawa.

"Sino ba lumandi? Diba siya naman?" Saad ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at humalukipkip.

"Ni hindi mo nga pinagpaliwanag ang asawa mo. Tangina naman, Resia. Kaibigan kita pero hindi ko kaya yang ginagawa mo kay alicia." Lorraine.

"Baka magkainitan pa kayong dalawa dyan ha. Sasakalin ko kayo pareho." Singit ni lorelei sa aming dalawa.

"I just can't. Masama ang loob ko sa kaniya."

"Masama din ang loob ko sayo. Mas kakampihan ko pa si alicia ngayon kaysa sayo. Sinigawan mo siya sa harapan namin nina shamara at nila phoebe. Babae ka rin naman, ayaw mong napapahiya sa maraming tao but look, resia.. nasaktan mo si alicia. I told you, hindi ko itotolerate yang ginagawa mo."

"Just give her time, lorraine. Hindi rin naman madali para kay resia yon. Pero sana nga resia, kinausap mong maayos si alicia. Sa tingin ko, hindi ka noon magagawang lokohin." Lorelei.

Napuno ng katahimikan ang office ko matapos nilang mag salita. Tila lumutang ang isip ko dahil sa mga sinabi nila sa akin.

"Kung gusto mo pumunta sa bayan nina alicia, pumunta ka. Children's Day ngayon. Yung mga batang may special needs." Sabi ni lorraine matapos ang ilang sandali.

"I don't think if she still wants to see me." Saad ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

"Ano?"

"She said she's filing a divorce."banggit ko at napasinghap si lorraine habang si lorelei naman ay napa higop ng kaniyang kape.

"Ha? Putangina. Ang ganda ng message namin ni lorelei noong wedding nyo tapos mag hihiwalay kayo? Ano na naman dahilan?" Lorraine.

Napa buntong hininga ako. Mukhang nahawa to sa pagiging dragon ni ali.

"She told me that she is pregrant but I didn't believe in her. I told her na baka kay matthew yung-- putangina! Lorraine!"

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya sa akin.

La Vie en RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon