Chapter 1:
NASA labas na ako ng mansyon, hawak ang maletang naglalaman ng mga gamit ko, habang tinatanaw ko ang bintana ng dating silid ko.
Ang sakit isipin na hanggang tingin ko na lang ang DATING silid ko.
Saan ako pupunta ngayon?
Saan ako titira ngayon?
Wala akong pera at trabaho.
Paano ako mabubuhay?
Paano ko mabubuhay yung bata?
Ano ang mangyayari sa amin kinabukasan?
Hinawakan ko ang tiyan ko at kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
Maraming tanong, maraming problema, pero hindi ko alam kung paano masasagot at masu-solusyunan.
Kaya kahit masakit, pinilit kong ngumiti kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin kinabukasan.
Umalis na ako sa tapat ng mansyon namin, wala na talaga. Wala na talaga ang dating buhay ko.
Nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa labas ng mansyon?
Mas pinili ko kasing buhayin ang bata kesa sa ipalaglag ko. Walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan ko at siya na lang ang tanging dahilan para mabuhay ako ngayon. At hindi ko kakayanin pumatay ng isang batang wala pang kalaban-laban at kamuwang-muwang sa mundo.
Kung hindi ba naman kasi ako pumunta sa bar at nakipag one night stand nung mga panahon na 'yon hindi sana ako magiging ganito. Tangina! Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Flashback
Last month...
First time ko makita ang sarili ko na nagiging hyper sa gitna ng dance floor, dala siguro nang tama ng alak.
Hindi ko na makita kung nasaan na ang mga kaibigan ko, siguro mga nasa kanya-kanyang partner na nila.
Naiinggit ako sa kanila, dahil sila may love life ako ito broken hearted. Bakit ba naman kasi ako iniwan? Kaiwan-iwan ba ko?
At ganito pala ang broken hearted pag sa first love damn it!
Humataw pa ako sa pagsayaw habang nakapikit ako. Giling doon, kembot dito.
Wala na talaga, tuluyan na akong nilamon ng alak.
Maya-maya pa, may naramdaman ako na may humawak sa bewang ko. Hindi ko kilala kung sino? Pero naamoy ko lang ang mamahaling panlalaki niyang pabango.
Hinawakan niya ang bewang ko, at ako naman sinampa ko sa leeg niya ang dalawang braso at sumayaw ako.
"Fuck! You're so damn hot!"
At mukhang may sinasabi siya, pero hindi ko marinig kung ano iyon dala ng malakas na musika na bumabalot sa loob ng bar na ito pero nakakaagaw-pansin ang kaniyang pabango.
Mas lumapit ako sa kanya, gusto ko amoy-amoying ang kanyang pabango.
Sa kalagitnaan ng pag-amoy ko sa kanya, bigla niyang hinapit ang bewan ka dahil kung bakit napatigil ako sa pagsayaw at naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. Naghahalo ang hilo at kalasingan ko dulot ng alak pero, may kiliting unti-unting dumadaloy sa buo kong katawan na dulot ng kanyang halik.
Napakalambot ng kanyang labi, masarap kahit nalalasahan ko ang alak mula rito.
Gusto ko siya itulak, pero nagtatalo ang utak ko at katawan ko. Gusto ng utak ko na itulak siya at sampalin ng buong lakas pero gusto naman ng katawan ko na idiin pa niya pa ang paghalik sa akin.
Hindi ko alam kung paano niya ako nabuhat pero naramdaman ko na lang na dahan dahan niya ako ihiniga sa malambot na kama.
Idinilat ko ang mata ko para makita ang mukha niya pero blurred ang nakikita ko sa mukha niya. Sino ba siya? At bakit halos mabaliw ako sa piling niya?
Kinabukasan...
Nagising ako ng hubo't hubad, nataranta naman agad ako sa pagbangon at tumingin sa buong paligid ng kwarto. Walang tao, ako lang mag-isa ang nasa loob ng silid at mukhang nasa isang mamahaling hotel ako. Tatayo sana ako pero biglang kumirot ang maselang bahagi ko.
Napatingin ako sa maselang bahagi ko, masakit at may mark pa ng dugo sa kama. Tanda na may nangyaring hindi maganda sa akin kagabi.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong nangyari sa akin kagabi. Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko at kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
Hinawakan ko ang parte na tanda nang pagkawala ng birhen ko, gusto ko isipin na hindi ito totoo pero nang mahawakan ko na ang natuyong dugo sa bedsheet ay wala na akong magawa.
"Hindi! Hindi ito puwedeng mangyare!!" Tuluyan na akong napaiyak ng sampalin ako ng katotohanan.
Nandidiri ako sa aking sarili. Paano ko nagawa ang ganoong bagay?! Hindi ako gaanong klaseng pinalaki ng mga magulang ko!
Bigla ko naalala sina mommy at daddy. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin kapag nalaman nila ito!
Niyakap ko ang tuhod ko....
Takot ang nararamdaman ko.
Takot baka mabuntis ako.
Natatakot ako sa galit na maaaring mangyari kapag nalaman ito ng mga magulang ko.
Hinigpitan ko lalo ang pagyakap sa sarili ko habang patuloy sa pag-iyak.
Ano bang pinanggagawa mo andrea?
Bakit sinuko mo yung v-card mo sa taong hindi mo kilala at nakilala o kahit namukhaan lamang?!
Bakit?!!
End of flashback
Pinunasan ko ang luha ko nang maalala ko na naman ang pangyayaring 'yon.
Wala na ako magagawa, hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat!
At kahit anong pagsisisi pa ang gawin ko, Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...