Chapter 53:
TYRONE P.O.V
Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya ngayon. Hindi ko rin alam pero sobrang lungkot ko. Diba nag-proprose na ako sa babaeng mahal ko. Bakit ganto? Bakit hindi ako masaya?
Nandito kami ngayon sa kwarto kasama si Allison at ngiting-ngiti na nakatingin sa engagement ring na ibinigay ko kani-kanina lang.
*iphone ringtone*
"Hello."
["Where are you?]
Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni rage. Imbitado siya. Bakit tinatanong niya kung nasaan ako?
"Nandito pa rin ako sa venue. Why?"
["Andrea is dying."]
"What?!"
["Pumunta ka rito sa hospital."]
Toot toot..
Nabitawan ko ang cellphone ko sa sinabi ni rage.
Kinuha ko ang coat ko at agad na lumabas ng kwarto.
Shit!
ALLISON P.O.V
Ohmygooosssshhh!!! Hindi ako makapaniwala! Finally! Magiging future wife na rin ako sa wakas!
Tinignan ko ang engagement ring na ibinigay sakin ni tyrone. Pink diamond na heart ang design. Shit lang!
Ang galing ko talaga pumili ng peperahan! At ang bilis niya mabula ah!
Napatingin ako kay tyrone na nagmamadaling kunin ang coat niya. Gusto ko sanang magtanong kung saan siya pupunta kaso wag na lang. Bahala siya sa buhay niya!
Nang makaalis na siya ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isang nilalang na naging dahilan kung bakit minahal ako ni tyrone ngayon.
"Hello dear."
["Oh! Napatawag ka? Naging success ba ang pag-acting mo kanina?]
Napangiti ako ng malawak.
"Sobra. Oh! Gumawa kaba ng maraming Love poison?"
["Hahahaha!! Sobrang dami na nga oh! Gusto mo gawin kong tank para sayo.]
"Hahahaha! Kung pwede ba e. Para angkinin siya ng tuluyan at ng pera niya."
["Hahahaha! Ibang klase ka talaga. Sige na bye. Basta yung pambayad wag mong kakalimutan."]
"Of course. Gawin mo lang ang trabaho mo at babayarin kita kahit magkano."
Toot toot.
Tinignan ko ang maliit na bote. Marami-rami na rin ang naiinom niya. At kailangan maubos niya ito.
Evil smile.
Tinignan ko ang diamond ring na nakasuot sa ring finger ko.
"Hindi sapat ang diamond na ito. At kung kailangan lahat ng brilyante at kayamanan ng mga Sy ay kukunin ko."
Magagawa ko iyon sa pamamagitan ng Gayuma!
Gayuma para sa isang bilyonaryong tao na walang iba kundi si Tyrone Ian Sy.
RAGE P.O.V
"Sir/mam, hanggang dito na lang po kayo." Pigil samin ng isang doctor papuntang operating room.
"P-pero." Magsasalita pa sana ako ng lumabas ang isang doctor galing sa operating room. Nakalong gown na puti ito nagsusuot ng gloves.
"I'll do my best to survive your wife, Mr. Sy." Sabi ng doctor at ngumiti sakin. Hindi na ako nagpumilit pa at naupo na lang sa labas ng operating room.
Tinignan ko yung babaeng kasama ko kanina pa. Mula ng ibaba mula sa ambulansya si andrea ay wala siyang kibo at tulala. Nakatanaw siya ngayon sa pintuan at panay ang pahid niya sa kanyang pisngi.
"Where is she?!" Napalingon ako sa isang lalaking hingal na hingal at punong-puno ng pawis ang kanyang noo. Gulo gulo rin ang kanyang buhok na parang sinabunutan siya. Walang iba kundi si tyrone.
Naiyukom ko ang aking kamao. Gusto ko sapakin ang sarili kong kapatid. Pero ano bang magagawa ng pagsuntok ko sa kanya kung wala naman talaga siyang kasalanan.
"WALANG HIYA KA!" napalingon ako sa isang babaeng sumigaw sa galit.
-----------
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...