Chapter 9
Ito na, ito na ang araw na kinakatakutan ko. Ito na ang araw na sana hindi na dumating.
"Miss, ok lang po ba kayo?" tanong sakin ng isang stylist.
Ngumiti lang ako sa kanya ng mapakla.
Kung sa iba, ito ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay nila. Sa akin naman, ito ang araw na kinakatakutan ko.
'Andrea, calm down! Trabaho lang 'to.' sabi ko sa isip ko.
Tok...Tok...
Dalawang katok sa pinto at pumasok si Rage na naka-amerikano suits na kulay sky blue.
"Wow, you look beautiful." manghang sabi nito sakin.
Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at nagpasalamat sa kanya.
"You look sad." puna niya sakin.
Hindi ako tumingin sa mga mata niya, nagtutubig kasi ang mga mata ko. Buti na lang waterproof yung make up ko.
"Leave us alone." sabi niya sa mga stylist at nagsi-labasan naman ang mga ito.
"Are you ok?" tanong niya sakin pagkalabas ng mga stylist.
Tumingin ako sa mga mata niya, seryoso ang mga titig niya.
"Yeah, i'm fine."sagot ko at ibinaling ko ang tingin ko sa heels ko na kulay gold.
"Ok. Like you said." sabi niya at tumalikod na palabas na sana siya ng pinto ng may huli pa siyang sinabi...
"Don't cry. Please." sabi niya at lumabas na.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.
'Ayan! Tinanggap mo 'yang trabaho na 'yan! Panagutan mo!' bulyaw ng isip ko.
May kumatok na naman,kaya agad-agad kong pinunasan ang mga luhang nasa gilid ng mata ko.
"Are you ready, miss?" tanong ng isang assistant.
Tumango naman ako at tumayo na, tinulungan naman ako ng assistant na makatayo dahil sa laki ng lobo ng wedding gown ko at sobrang haba naman ng belo sa likod ko na 1.5 meter ang haba.
Kinuha ko na ang isang boquet na red roses. Yung belo ko sa likod ay hindi pwede italukbong sa akin, style lang iyon sa likod na parang katulad sa gown ni marian rivera pero wala belo sa harap.
Hinawakan ako sa kamay ng assistant para alalayan. At saka kami sumakay sa limousine na puti na punong-puno ng bulaklak.
Nasa malayo pa lang kami tanaw na namin ang sandamakmak na media, pero hindi sila makapasok dahil may mga pulis na nakaharang, ngunit ang iba ay gumagawa talaga ng paraan para makakuha ng magandang anggulo ng litrato.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng pintuan at binuksan ng driver yung pinto para makalabas ako at hinawakan ang kamay ko para, alalayan ako.
Nang makatayo ako sa gitna ng pintuan, nagsitayuan na ang mga bisita. Sa totoo lang, hindi ako basta basta pa makikita sa loob dahil nakasara pa ang pinto. Isa-isa nagsipasok ang mga flower girl, mga ninong, ninang sa kasal na may kanya-kanyang partner.
At maya-maya, dahan-dahang binuksan ang pinto.
Ang ganda ng tanawin sa loob. Maraming red and white na roses sa carpet at maayos ang pagkakaayos ng bulaklak sa bawat upuan. Mga naka pink ang mga babae at mga naka-sky blue naman ang lalaki sa loob. Pero yung lalaking nakatayo sa dulo ay nakaputi ito at may pulang rosas sa kaliwang dibdib niya.
Nakangiti siya, at ang ngiti na 'yon ay hindi mo masasabing peke. Singkit ang kanyang mga mata. Pero mas lalo sumingkit dahil sa pagngiti niya. Hindi ko alam pero, nawala ang kaba sa dibdib ko. Nakatingin lang ako sa kanyang mga ngiti.
Nakakabighani ang mga ngiting 'yon. Dahan-dahan ko hinakbang ang mga paa ko pero nanatili pa rin ang titig ko sa kanya.
Nang makarating ako sa harap niya, at saka ko kinuha ang kamay niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko iyon hahawakan.
Makinis ang mga kamay niya at NANGINGINIG.
Tumingin ako sa kanya, tingin na nagtataka kung bakit nanginginig ang kanyang mga kamay. Pero ngumisi lang siya at lumapit sa tenga ko...
"Nagmukha ka'ng tao ah!" sabi niya at inilagay ang kamay ko sa braso niya. Kinurot ko naman 'yon.
Nagsimula na ang sermonya. Pero I Do lang ako ng I Do hindi ako nakikinig sa pari at sinuot ko na lang yung ring sa daliri niya at ganun din sakin. Pulang diamond ang nasa gitna ng ring.
"You may now kiss the bride."
Biglang nabalik sa isip ko ang lahat ng iniisip ko ng marinig ko ang sinabi ng pari.
Kiss? Oh men! Pwedeng pass?!
Humarap ako sa lalaking nakangisi sa harap ko.
"Paano ba 'yan? Kiss daw." sabi niya.
"Smack lang ah." sabi ko. Nanginginig na kasi ako sa takot at kaba.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pumikit siya pero ako nanatiling nakadilat ang mga mata ko. Smack lang naman kaya hindi ko kailangan pumikit.
"Hmmm!!"
Napahiyaw ako ng bigla niya akong buhatin at hinalikan ng madiin. Sabi ko smack lang!!
Pinilipit kong hinahatak yung labi ko sa kanya pero hinigop niya pa lalo at marahang kinagat yung lower lip ko.
Narinig ko ang mga tawanan ng mga tao at palakpakan nila.
Naramdaman kong dahan-dahan ng nag-blush yung mga pisngi ko.
Nahihiya ako sa nangyayari, pero itong lalaking nasa harap ko at walang sawang hinalikan ang mga labi ko ay walang tigil sa pagsipsip. Tangina! Mahiya ka naman uyy!!!
Dahan dahan niya ako binaba at
Aminin ko man sa sarili ko o hindi ay masarap, malambot ang kanyang mga labi. At para ba'ng minsan ko ng natikman ang mga labi niya.
Pero ang nakakapagtaka lang, bakit para'ng may kumikiliti sa tyan ko?
Kinikilig ba yung anak ko?
Hala!
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...