Chapter 88
"Tyrone."
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si tyrone.
Tumayo ako at hinanap ang cellphone ko.
Agad agad ko dinial ang number ni rage. Dahil ayon sa balita, ang kapatid nito ang nakakita sa nangyari sa kapatid.
"H-hello, rage?"
Narinig ko ang pagsinghot nito.
"A-andrea?"
Mabigat na boses ang bumungad sa akin. Parang galing sa pag iyak.
"Oo rage ako nga 'to? Si tyrone nasaan? Ahm, g-gusto kasi siya makausap ni t-tyler."
Pagsisinungaling ko.
Narinig ko na naman ang pagsinghot nito.
"Rage?"
"Si tyrone. Nag aagaw buhay siya. Puntahan mo siya, andrea. Puntahan mo ang kapatid ko sa huling pagkakataon."
Nabitawan ko ang cellphone.
Bumagal ang oras.
Naging tahimik ang paligid.
Hindi!
Hindi iyon totoo!
Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog.
Kung ganon, totoo ang sinabi nang anak ko.
RAGE P.O.V
"NASAAN SI TYRONE?!!"
Umalingawngaw ang boses ni mommy sa hall way ng hospital.
"Anak? Nasaan ang kuya mo?" Napatingin ako kay mommy. Umiiyak na ito sa sobrang pag-aalala kay kuya.
"Nasa emergency room pa si kuya, mom." Naiiyak na sabi ko kay mommy.
"Jusko! Bakit ba ginawa niya iyon? Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili!" Umiiyak na sambit ni mommy.
Napatingin ako kay daddy, tahimik lang din ito pero nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Napatingin kami sa pagbukas ng emergency room at lumabas ang doctor.
"Kayo ba ang pamilya ni tyrone?"
Napatango kami bilang sagot.
"Ayon sa ginawa naming test sa pasyente ay mukhang sumasabak ito sa depresyon. Labis ang pangangayat ng pasyente. At dahil sa nararanasang depresyon kaya nagtangka itong maglaslas sa kanang pulso. Dahil sa paglalaslas nito sa mismong pulso nito maraming dugo ang nabawas sa katawan ng pasyente. Mahigit tatlo o limang oras siguro mula nang laslasin niya ang kanyang pulso. Dahilan kung bakit kailangan niya salinan ng tatlong bag ng dugo sa loob ng twenty-four hours. Pag hindi siya nasalinan as soon as possible ay maaaring ikamatay niya ito. Buti na lang ay hindi umabot ang kutsilyo sa pulso niya. Pero kailangan niya pa rin salinan para mag-function agad ang pulso dahil halos maubos na ang dugo na nagpapatibok sa pulso. Dapat bumalik ang normal rate ng kanyang pulso. Kasi nung, minonitor namin ang pulso niya sa loob ng one minute ay thirty beats na lang. So, kanilang mag sixty beat per minute. Excuse me." Mahabang paliwanag ng doctor at umalis na ito papasok sa loob ng emergency room.
Narinig kong napahikbi si mommy dahil sa sinabi ni doctor ramirez.
"Tita? Tito?"
Napalingon kami sa tumawag.
Si andrea, namumugto ang mga mata nito at hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
"Andrea, anak?" Tumakbo si andrea papalapit kay mommy at yinakap ito nang mahigpit.
"Tita sorry. Sorry po sa lahat!" Umiiyak na sabi ni andrea.
"Hindi mo ito kasalanan, anak. Walang may gusto sa nangyari." Wika ni mommy kay andrea.
"Si tyrone, tita? Nasaan siya? Ok na ba siya?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Kailangan niya salinan ng tatlong bag ng dugo, sa loob ng bente kwatrong oras anak. Dahil kapag hindi siya nasalinan ay ikakamay niya ito." Umiiyak na paliwanag ni mommy.
Natahimik si andrea.
"Handa akong mag-donate, tita."
"Anak?"
"Hayaan niyo akong makabawi kay tyrone, tita. Hayaan niyo akong dugtongan ang buhay ng ama nang anak ko, tita. Mali ang desisyon na ginawa ko tita. Mali ang iniwan ko siya. Mali na lumayo kaming mag-ina niya. Mali ang lahat na ginawa ko tita. Hindi sana ito mangyayari kung hindi namin siya iniwan. Maling mali!"
"Anak, maghinay hinay ka sa desisyon mo! Hindi gugustuhin ni tyrone pag ginawa mo ang gusto mo na hindi mo pinagiisipan ng mabuti."
"Pero tita, hindi ko gugustuhing mawala sa aking ang lalaking pinakamamahal ko."
......
Thanks for reading!
A_Dream_Girl

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...