Chapter 39:
Matapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Hindi ko na kaya pang tignan ang lambingan ng dalawa.
Napatingin ako sa hawak-hawak kong picture na ibinigay ni kian. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
At hindi ko rin alam kung mayroon ba talaga akong kakambal o wala?
Kamukhang-kamukha ko kasi ang babaeng na nasa larawan kasama ang mama ni tyrone. Subalit, base sa mukha ng babae ay 14 years old pa lang ang babae at blonde ang buhok. May matatamis na ngiti. Parehong-pareho kaming dalawa. At hindi ko alam kung si kim ba ito o ako?
TOK TOK!
Agad kong itinago sa ilalim ng unan yung larawan at kasunod nun ay pumasok si rage na may dalang... FRIES AT ICE CREAM
"Hello." bati niya at ngumiti sakin ng matamis.
Inilapag niya sa kama yung fries at ice cream at umupo sa tapat ko pagkalapag niya ng tray.
"Snack?" sabi niya at kumuha ng fries at isinawsaw sa ice cream.
"Say ahh." sabi niya. Ngumanga naman ako.
"Ahh." sabi niya at isinubo niya sakin yung fries.
"Good girl." sabi niya at kumuha ng panibago.
Yumuko naman ako.
"Say ahh again." sabi niya at itinaas niya yung fries na may ice cream.
Ngumanga ulit ako at sabay sabi ng isang malaking 'AHH'
Mukha kaming tanga sa ginagawa namin.
TYRONE P.O.V
"Snack sa gabi?" tanong ko kay rage na nagpe-prepared sa isang tray ng fries and ice cream.
Kelan pa 'to natutong kumain ng ice cream?
"Oo kasama SIYA. Special of my life." sabi niya at umakyat na siya na may kasamang ngiting aso.
Weird.
"Honey, magsha-shower na ako ah." Paalam naman ni allison.
Ngumiti ako ng malawak.
"Sure." sabi ko at hinalikan siya sa labi.
Siya ang naging girlfriend ko sa states two months ago. Napakabait niya at maalalahanin. Sweet siya at mahal na mahal ako at syempre ganun din ako sa kanya. Si allison ay childhood friend namin ni kim.
Kim!
Kim!
Kim!
Ilang beses na akong nananaginip na malapit lang si kim sakin. Minsan akala ko totoo na, pero si andrea ang nakikita ko.
Si andrea at kim ay magkamukhang-magkamukha. Hindi ko alam kung magkambal ba sila o ano?
Imposible rin kasing maging si Kim si Andrea. Dahil si kim ay mahinhin hindi katulad ni andrea na disgrasyada. At hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino ang ama ng anak niya.
Nag-hire na ako ng investigators para hanapin ang ama ng anak ni andrea, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Naikot na ang halos buong bar at club sa buong pilipinas ay wala pa rin talaga.
Pinatay ko na ang tv at umakyat na sa itaas, napadaan ako sa kwarto ni andrea ng marinig ko ang ungol ni andrea.
"Ahh." ungol sa loob ng kwarto.
"Good girl." narinig kong sabi ni rage.
Teka! Si rage at andrea?
Dinikit ko yung tenga ko sa pinto.
"Say ahh again." rinig ko sabi ni rage.
"AHH." malakas na hiyaw ni andrea. Gusto ko magalit sa dalawa. Hindi ako makapaniwala na may nangyayari sa kanilang dalawa ngayon. May pa-snack snack pang sinasabi ni rage pero tangina IBANG SNACK PALA ang gagawin!!
Buntis si andrea at sa susunod na buwan na ang kapanganakan niya at hindi ako makapaniwala na..... EWAN!
"Ang sarap rage." rinig ko pang sabi ni andrea.
Nagdabog ako paalis sa tapat ng kwarto ni andrea. ANG BABABOY NILA!
"Honey, let's-----
"SHUT UP!!!" sigaw ko kay allison na nakatuwalya lang.
Humiga ako sa kama at nagkumot.
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...