Chapter 40:
RAGE P.O.V
"Salamat rage sa fries at ice cream ah!" nakangiting sabi sakin ni andrea.
"Wala 'yon." sagot ko naman sa kanya.
Tumayo ako at lumuhod sa harap niya at hinalikan yung 8 months niyang tyan. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero ngumiti lang ako sa kanya at saka lumabas ng kwarto niya.
"Aba! Ang lawak ng ngiti ng apo ko ah!" nanlaki naman ang mata ko ng biglang sumulpot si...
"Mamay? Ano ang ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko kay lola.
Oo si Lola na galing ENGLAND. Ang mama ng daddy ko at mamay ang tawag namin sa kanya.
"Bakit naman gulat na gulat ka apo? Mukha ka namang nakakita ng multo." sabi nito sakin. Napatingin ako sa likuran niya, kasama niya ang isang private bodyguard niya na may dalang shoulder bag.
"W-wala." sabi ko. At humalik sa pisngi niya at saka dali-daling bumaba papuntang dining area para ilagay yung tray sa lamesa at tumakbo papuntang taas baka makita ni mamay si andrea.
ANDREA P.O.V
"Hijo?" napatingin naman ako sa bumukas na pinto at pumasok ang isang matangkad na babae at mayroong mapuputing balat at may maumbok na kulay brown na buhok.
Napatayo ako at bumati.
"Good evening ho." bati ko. Pamilyar ang mukha niya sakin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Kim? Hija?" nakangiting tawag sakin kaso mas lalong lumawak ng makita niya ang umbok ng tyan ko.
"MAMAY!!" napatingin naman ako kay rage na hinihingal.
"Apo, hindi mo man lang sinabi na nandito si kim at buntis na pala." sabi nito kay rage.
Nangunot-Noo naman ako sa sinabi ng babae na 'Apo'.
Ibig sabihin siya yung lola. Pero, bakit ganun? Mukhang ako pa ang matanda sa amin dalawa.
Siya si Mrs. Danica Salazar-Sy ang nanay ni Ezekiel na daddy nina rage at tyrone.
"Ahm, Nakalimutan ko po e." sagot naman ni rage.
"Sino ang daddy? Si tyrone ba?" nakangiting tanong ni mrs. Danica.
Nagkatinginan kami ni rage. Oh boy! Anong sasabihin niya?
Magsasalita na sana si rage ng may marinig akong sigaw mula sa malayo.... At boses iyon ni Kian.
"NAYNAYYYYYYYYYYY!!!!!!!" malakas na tawag ni kian.
"Apo ko." narinig kong tawag niya kay kian na tumatakbo payakap sa kanya.
Tumingin ako kay rage na nasa tabi ko. At siniko ko siya sa tagiliran.
"Bakit?" pabulong na tanong niya.
Tumingin ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata.
"Ano ang idadahilan mo?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Bahala na." sabi niya.
Matapos ang yakapan moments. Tumayo si mrs. Danica.
"Alam niyo ba kung bakit umuwi ako dito?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni rage at ibinaling ulit ang tingin kay mrs. Danica.
"Bakit ho?" tanong ko.
"Dahil ibinalita sa england yung tungkol sa pagpapakasal niyo ni tyrone. Kaya ako umuwi dito. Nung una, hindi ako naniniwala na ikinasal na si tyrone. Pero nang makita ko ang mukha mo ay hindi na ako nagulat dahil matagal na kayong nagmamahalan sa isa't isa. Kaso ang pinagtataka ko lang, bakit magkahiwalay kayo ng kwarto? E, mag-asawa na kayo. At si tyrone ang ama ng baby mo. Right?" tuloy tuloy na sabi ni mrs. Danica
Tumingin ulit ako kay rage, hindi ko alam ang isasagot ko. Akala ko nung una, ok na dahil alam na ng buong pamilyang sy ang tungkol sa pagbubuntis pero hindi pa pala.
"Yes mamay. Si tyrone yung ama ng baby ni andrea." sagot ni rage. Nanlaki naman ang mata ko sa isinagot ni rage pero ngiti na lang ang isinagot ko.
Kumunot naman ang noo ni mrs. Danica.
"Andrea?" ulit na tanong niya.
"Yeah, ako po si andrea sanchez." pag sang-ayon ko.
"Pero kamukha mo si kim." nagtatakang sabi niya.
Ngumiti na lang ako kay Mrs. Danica.
********
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...