Chapter 52

125K 1.6K 79
                                    







Chapter 52








RAGE P.O.V







Nang dumating na ang ambulansya ay agad nilang isinakay si andrea. Sumunod naman ako at kasama ang isang babae na nakita ko sa hospital noon.






Kasalukuyang, bumabyahe na kami papunta sa sarili namin hospital.




Nakatingin lang ako sa mukha ni andrea, nilalagyan siya ng oxygen at iniaalis ang dugo sa kanyang ulo.





Natatakot ako sa posibilidad na mangyari. Natatakot ako na baka mawala siya. Mawala siya sakin.





"You loved her. Right?" Napatingin ako sa babaeng kumalat na ang kulay itim sa kanyang mata dahil sa pag-iyak.






Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay andrea.






Kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman ko para kay andrea, iisa lang ang sagot ko.






Oo! Mahal na mahal ko si Andrea. At ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sakin.




"But she loves someone." Sabi niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Gusto ko magtanong kung sinong 'someone' ang sinasabi niya kaso lahat ng letra na sasabihin ko ay nag-atrasan.






"She's my bestfriend since grade one. Kaso, mukhang hindi na niya ako nakilala...." Napatingin ako sa kanya at nakita kong sunod-sunod tumulo ang kanyang luha.







"....kasabay ata sa pagkawala ng alaala niya ang makalimutan din ako." Umiiyak na dugtong niya.






"Mam/sir. Critical po ang lagay ng pasyente. Marami na pong nawalang dugo sa kanya." Narinig kong sabi ng isang nurse.







Hinawakan ko ang kamay ni andrea.






"Please andrea. Lumaban ka. Natatakot ako pagnawala ka. Mawala ka sakin" Naiiyak na sabi ko at yumuko sa kanyang kamay kasabay ng pagtulo ng luha ko.








MITZY P.O.V










Nang marinig ko ang katagang iyon sa lalaking umiiyak ngayon ay isa lang ang na kompirma ko..







Mahal niya si Andrea.







Natatakot siya na mawala si Andrea at kahit ako natatakot rin ako. Kahit masakit sakin ang makalimutan niya ako dahil sa aksidente na nangyari sa kanya noong mga bata pa lang kami ay natatakot din akong mawaka siya.









Flashback...







"Sis, aalis na kami pupunta na kami ng states." Malungkot na sabi sakin ni Kim.






Ako naman kinuha ko yung lollipop ko na nakasubo sakin.






"Ayy! Iiwan mo na ako." Naiiyak na sabi ko sa kanya.






Lumapit siya sakin at pinunasan niya ang luha saking mga mata gamit ang thumb finger niya.






"Ano kaba?! Hindi kita iiwan at kakalimutan. Ikaw pa rin ang sister-slash-bestfriend ko noh!" Sabi niya at niyakap ako. At kasabay nun ang paghikbi niya.






"BABY KIM, HALIKA NA!" narinig kong sigaw ng mommy ni kim.






"Yes mommy! I'm coming!" Sigaw niya at tunakbo palayo sakin ng hindi lumilingon.






Sinundan ko pa ang sinasakyan nina kim pero dahil bata pa lang ako ay tinignan ko na lang ang itim na kotse na sinasakyan nila.






Napaupo na lang ako sa kalsada habang umiiyak.








"Huhuhu! Babalik ka sister ah! Huhu! Babalikan mo ako!" Umiiyak na sabi ko.



Nang makaalis na nun si kim ay dumiretso ako sa park kung saan lagi kaming naglalaro ni kim. At sa sobrang lungkot ko noon ay hindi ko namalayan ang oras dahil gabi na.





Umuwi na ako nun sa bahay, at nakita ko si mommy na nakatulala sa sala at nanginginig.








"Mommy, may problema ba?" Alalang tanong ko kay mommy.






Tumayo ako sa harap ni mommy at nagulat ako sa susunod na nangyari niyakap ako ni mommy at umiiyak na.







"Baby. Naaksidente sila." Naririnig kong sabi ni mommy. Nagtaka naman ako sa sinabi ni mommy.






"Anong naaksidente mommy? Sino po?" Takang tanong ko.






"Magbihis ka baby. Pupuntahan natin sila." Sabi ni mommy kaya umakyat naman ako sa kwarto ko at nagbihis ng hello kitty na damit. Papalabas na sana ako ng pinto ng masagi ko ang picture namin ni andrea dahilan kung bakit nabasag ito kaso hindi ko na ito pinansin at tuluyan ng umalis.






Pagkadating namin sa hospital ay agad na tumakbo si mommy hila-hila ako.







"Miss. Nasaan yung sinugod dito na naaksidente." Sabi ni mommy sa isang nurse sa parang counter.







"Ano pong pangalan mam?" -nurse.






"Mrs. Alyana Briones, Mr. Kimiel Briones at ang isang batang babae na si Kim Briones." -mommy.





Teka? Bakit binabanggit ni mommy yung mga pangalan nina tito't tita tapos ng bestfriend ko? Hindi ba alam ni mommy na pupunta na sila ng states.




Chineck naman ng nurse yung mga pangalan na sinabi ni mommy.




"Ah. Mam. Nasa morgue po yung sinasabi niyo pero yung kim briones. Wala namang po sa listahan." -nurse.



Muntik ng matumba sa kinatatayuan si mommy buti na lang napahawak siya sa table.




"M-morgue." Umiiyak na sabi ni mommy.



Tulalang naglalakad si mommy papunta doon sa sinabi nung nurse. Pagpasok namin ay napayakap naman ako sa sarili ko sa sobrang lamig. Para akong nasa ref.



Tumakbo agad si mommy sa dalawang taong nakahiga at umiyak.




"Alyana! Anong nangyari? Bakit ganto?!" Umiiyak na sabi ni mommy. Tinignan ko naman ang iniiyakan ni mommy. At laking gulat ko ng makita ko ang mukha ni tita alyana at ni tito kimiel. Bakit sila nandito? Bakit hindi na sila humihinga? Nasaan si kim? Bakit wala siya dito?






End of flashback...






Lahat ng nangyari ay kinuwento sakin mommy. Ilang beses hinanap ni mommy si kim pero wala talaga.








------







Thanks for reading!



DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon