Chapter 31:
4:30 pa lang ng umaga ay gising na ako. Maaga pa akong nagising kesa sa mga kasambahay. Hindi kasi ako makatulog sa paguusap namin kanina ni tyrone.
At isa na rin ang panaginip ko na napaniginipan ko na naman kaya ako nagising.
Hindi pa rin kasi ma-sink in sa utak ko ang panaginip na iyon. AT hindi ko alam kung bakit?
Kung bakit pati sa panaginip ko ay naaamoy ko ang pabango ni tyrone at siya ang nasisilayan ko na siya ang ka-one night stand ko ng gabing 'yon.
Bakit si tyrone pa?
Binuksan ko ang ref, kumuha ako ng liempo, hotdog, ham, itlog. Balak ko magluto ng porkchop at ibalot ang hotdog sa ham at lagyan ng itlog para hindi maghiwalay. At syempre pati na rin ng cheese. Nagluto rin ako ng yellow rice na may sahog na carrots at beans.
"Andrea?" napalingon ako sa tumawag. Si tyrone iyon.
"Ow! ahm... G-good morning." bati ko sa kanya.
Inilapag ko naman sa mesa yung mga nalutong ulam at kanin.
"Asan na yung mga kasambahay?" tanong niya.
"Ahm, 5:00 pa lang. Masyado pang maaga para magising sila. Kumain kana." sabi ko sa kanya at naghanda ng dalawang pinggan at saka kutsara at tinidor.
Umupo naman siya sa harapan ko. Kumuha ako ng tubig at pinagtimpla ko siya ng kape ako naman ay gatas.
"Salamat." sabi niya pagkalapag ko ng kape sa gilid ng pinggan niya.
"Masarap ba 'to?" nakangiting tanong niya.
Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Sabi ko nga masarap." sabi niya at humagikhik.
Kukunin ko sana yung kanin pero tumayo siya at siya ang naglagay ng kanin ko.
"Oh, ayan. Kumain ka ng marami ah!" sabi niya at pinaglagyan niya ako ng porkchop at saka nung hotdog.
Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko maiwasang mainggit sa magiging asawa ni tyrone.
Ang swerte ng babaeng 'yon. Ang isang Tyrone na masungit sa umpisa pero sweet bandang huli. Walang-wala sa mga lalaking nakasalamuha ko.
"Kumain kana. Wag mo na ako tignan." narinig ko pang sabi niya. Itinuon ko ang tingin ko sa pagkain. Nawalan ako ng gana kumain.
"Mmm... Pwede na rin." rinig kong sabi niya pagkatapos niya sumubo ng kanin.
Pero hindi ko iyon pinansin dahil nalungkot ako sa naisip ko kanina.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita ako sa kanya.
"Naniwala ka ba sa sinabi ko sayo kaninang madaling araw?" panimula ko.
Umunom muna siya ng tubig bago magsalita.
"Ang alin?" naguguluhang tanong niya.
Ibinaling ko ang tingin ko sa pagkain na nasa pinggan ko bago magsalita...
"Na hindi si Rexie ang ama ng anak ko." diretsahang sabi ko sa kanya.
"Seryoso kaba 'don sa sinabi mo?" tanong niya.
Tumango ako bilang tugon.
"I see. But like I said, handa ako hanapin ang ama ng anak mo." sabi niya at humigop sa itinimpla kong kape.
"Ang sarap naman ng kape mo." puri niya pero hindi ko pinansin.
"Diba nandidiri ka sakin?" malungkot na tanong ko sa kanya.
"Nung una, pero naintindihan ko na." sabi niya at ininom yung kape.
"At sabi mo, mahal mo ako." diretsahang sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin, nakatingin siya saking mga mata. Ang berdeng mata ni tyrone.
"Nung una, pero hindi na ngayon. Besides, may girlfriend ako and I think siya na ang mapapakasalan ko." pag amin niya at tumayo na siya pero bago siya lumabas ng dining area may sinabi ulit siya.
"Magbihis ka. Mag-shopping tayo for your baby and para na rin sayo." sabi niya at saka umalis.
Naiwan akong tulala sa dining area.
"Nung una, pero hindi na ngayon. Besides, may girlfriend ako and i think siya na ang mapapakasalan ko."
"Nung una, pero hindi na ngayon. Besides, may girlfriend ako and i think siya na ang mapapakasalan ko."
Dahan-dahan nagbagsakan ang mga luha ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya.
Akala ko, kaya ko tanggapin ang totoo pero bakit ganun? Ang sakit-sakit!!
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...