Chapter 26:
ANDREA P.O.V
Nakalabas na ako kinabukasan sa hospital, ang inaasahan ko ay pupunta si tyrone dito para bisitahin ako pero lintik na!, sa tuwing may kakatok o papasok sa kwarto ay si rexie lagi ang nakikita ko kaya asar na asar ako.
Inobserbahan ako ng mga doctor sa aking pagbubuntis kung sisipa pa daw ang anak ko. Likas daw sa mga nagdadalang tao na mahihimatay, dahil sa unang sipa ng anak. Kaso, sinabi rin sa akin ni doc na hindi daw normal ang laki ng tyan ko sa limang buwan daw. Bukod daw kasi sa pagbuntis ko ay lumalaki din daw ang tyan ko sa kakakain at sa paginom ko daw ng vitamins. Kaya pinatigil mo na sakin yung vitamins na pinainom ni doctora sakin at pina-kontrol ako sa pagkain at iwasan daw ang ma-stress dahil daw makakasama daw iyon sa pagbubuntis ko.
Nakarating na kami sa bahay at awang-awa naman ako kay rage na walang suot na tsinelas at ngayon, nakatulog na. Si rexie kasi ngayon ang nagda-drive.
"Rage." gising ko sa natutulog na si rage. Nakasandal ang ulo niya sa may glass window ng kotse.
"Mmm.." husky na sabi niya.
"Nasa bahay na tayo." sabi ko sa kanya. Unti-unti naman niyang idinilat ang kanyang mga mata.
"Tara na." sabi ko sa kanya at hinatak siya palabas ng bahay.
Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay. Nasa gitna ako habang naglalakad kaming tatlo papasok sa bahay. Hindi ko kasi pinapansin si rexie dahil naaasar ako sa pagmumukha niya.
"Sir, mam. Naku! Buti naman po nakauwi na kayo! Alalang-alala kami sa inyo kagabi." sabi ng isang kasamabahay na si Manang Rosi.
"Wag na kayo mag-alala manang. Ok na po ako." sabi ko sa kanya.
Nagpaalam sakin si rage na matutulog muna daw kaya tumango na lang ako. Ngayon kaming dalawa ni rexie at si manang ang nasa labas.
"Ayy ma'am. Nakalimutan ko po'ng sabihin pero nasa sala po si sir tyrone." sabi ni manang.
Nanginig naman ako sa sinabi ni manang. Hindi ko tuloy alam kung papasok pa ako sa loob o hindi na.
Kinakabahan ako na ewan.
Mukhang napansin naman ni rexie na hindi ako mapakali.
"Kinakagat kaba ng langgam?" nakakatangang tanong niya.
Masama akong tumingin sa kanya. Tarantado ata ang isang 'to e! Anong kinakagat ng langgam? Kinakain ako ng kaba ko.
"Wag mo nga akong kausapin." inis na sabi ko sa kanya.
Pero malikot talaga ang dila niya.
"Pasok na kaya tayo sa loob." sabi niya at naglakad na siya papasok sa loob pero hinaltak ko siya sa braso niya.
"Kinakabahan ako." pagtatapat ko sa kanya.
"Wag ka'ng kabahan. Kaya tara na." sabi niya sakin at hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinawak ko naman sa braso niya ang kaliwang kamay kong nanlalamig sa kaba.
*****
Thanks for reading
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...