Chapter 66

114K 1.6K 5
                                    

Chapter 66:

ANDREA P.O.V

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari matapos ko mahulog sa kama at mauntog sa sahig.

Basta na lang ako nawalan ng ulirat. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit may mga larawan akong nakikita?

May hawak akong sanggol at binibigkas ko sa kanya ang salitang 'My Baby Boy'.

Nagbe-breastfeed ako sa kanya. Nanganak daw ako kasama ang isang lalaki ng hindi ko naman nakita ang mukha sa panaginip ko.

Pero ng dumating ang isang batang lalaki kasama ang isa pang lalaki ng biglang sinuntok ang boyfriend ni mitzy ay nakaramdam ako ng kakaiba sa akin na para bang sinasabi ng isip at puso ko na anak ko ang batang ito.

Kinarga ko ang bata wala akong pakelam kung ano ang nangyayaring kaguluhan dito sa loob ang importante kasama ko ang batang ito.

"Mimi." nakangiting sabi nito.

Ngumiti ako.

"Mommy not mimi." sabi ko sa bata.

Nakaramdam ako ng ilang mata na nakatingin samin at hindi ako nagkamali na nakatingin sila sakin.

"Anak ko ang batang ito diba?" tanong ko sa kanila.

Wala na akong pakelam kung ano ang sasabihin ng ama ng batang ito na nagdala sa kanya.

Ayoko mang-angkin ng hindi ko anak pero pakiramdam ko kasi itong batang hawak ko ang nasa panaginip ko.

"Oo anak mo yan." dahan-dahan akong napatingin kay tyrone.

Totoo ba ang narinig ko?

Ang batang ito ay aking anak!

Tinignan ko ang batang nakaupo sa hita ko.

Ang berde niyang mga mata, ang matangos nito ilong, ang pula nitong labi. Ang perpektong batang lalaking ito ay anak ko!

Paano ko nagawang kalimutan ang sarili kong anak?

"I'm so sorry anak ko." naiiyak na sabi ko dito at niyakap siya ng mahigpit.

Naalala ko na. Ito ang batang ito ang naging bunga nung nakipag-one night stand ako. Ito ang dahilan kung bakit napalayas ako sa poder ng mga sanchez. Itong batang 'to ang mas pinili ko kesa sa pamilya ko.

Itong batang 'to ang buhay ko.

Kaya hindi ako makapaniwala na nagawa kong kalimutan ang batang katulad niya.

Hindi ko man lang siya na alagaan nung siya ay sanggol pa.

Pero nagpapasalamat ako sa mga taong inalagaan siya sa kabila ng pagkalimot ko sa sarili kong anak.

Ang baby boy ko.

------

Thanks for reading....

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon