Chapter 38

123K 1.8K 140
                                    






Chapter 38:









Ilang minuto muna kami nag-stay ni kian sa baywalk bago maisipang umuwi.









Pagkadating namin sa bahay ay naabutan kong nasa labas si rage. Nakaupo sa may hagdan sa labas ng main door.







Teka! Si rage? Kelan pa siya umuwi?







Nang alam niya na may paparating nasasakyan ay tumayo siya.







Lumabas ako ng kotse kasabay si Kian.








"Rage? Kelan ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya. Kaso imbis na sagutin niya ang tanong ko ay nakatingin lang siya sakin.










"UYY!!!" Hiyaw ko sa harap niya.







"Bakit ikaw ang nagmaneho? Alam mong buntis ka!" pagalit na tonong saad niya.







"Kasi---








"At saan naman kayo galing ?" hindi na niya ako pinatapos magsalita.







"Galing kami sa---







"Alam niyo bang alas-nuwebe na?" Tanong na naman niya.








"Alam ko kaya nga----







"Delikado sa mga buntis na nagmamaneho." Putol na naman niya sa sasabihin ko.






Sige tuloy mo lang rage, napipikon na ako.







"PASALITAIN MO NGA MUNA AKO!!!!" Napasigaw na ako sa sobrang pikon.






Nanlaki naman ang mga mata niya ng sumigaw ako. Mukhang natauhan siya.








"Ako ang nagmaneho, kasi wala namang magmamaneho dahil kaming dalawa lang ni kian. Pumunta kami ni kian sa baywalk para makalanghap ng sariwang hangin kaya ng malaman kong 9:00 na pala ay umuwi na kami. Alam kong delikado sa mga buntis ang magmaneho, pero mas delikado kung si kian ang mag-drive. Ano pa ang tanong?!" inis na wika ko sa kanya. Siguro naman nasagot ko na ang mga tanong niya.










"W-wala na. Tara kain na sa loob." sabi niya at inakbayan ako.







Si kian naman ay nauna ng pumasok sa loob, siya na kasi ang nagbitbit ng mga sandamakmak na pinamili niya. Kawawang bata.









Dumiretso kami sa dining area at naabutan namin sina tyrone at allison na nagsusubuan ng karne. Napayuko ako sa nakikita ko, ang sakit ah. Kailangan ba ipamukha kung gaano sila ka-sweet sa isa't-isa.









Umupo ako sa tapat ni tyrone at katabi ko naman si rage na katapat ni allison. Si kian naman nasa tabi ni rage.




Kumuha ako ng kanin at dalawang pirasong tuyo. Wala akong ganang kumain pero kailangan ko pilitin ang sarili ko para sa baby ko.






Dahan-dahan ako sumubo ng kanin palihim akong nakatingin sa kanilang dalawa. May binubulong si tyrone kay allison na ikinakilig niya.




Napatingin si allison sa gawi ko.






"Hi Andrea. Bakit ngayon lang kayo umuwi?" maarteng tanong nito sakin. Sasagot na sana ako ng sumabat si rage.






"You don't care." malamig na sabat ni rage. Napatingin ako kay rage. Galit din ba siya kay Allison?






"I'm not talking to you rage. So, saan kayo galing?" malditang tanong nito ulit sakin.







"Galing kami sa baywalk. Nagpahangin." simpleng sagot ko.









"Oh, akala ko nagtago kayo sa mall e. Bigla kasi kayong nawala but you know what, hindi man lang nag-alala si tyrone. I don't know why. Sabi pa nga niya baka daw nagpapahanap ka lang. Akala mo siguro hahanapin ka namin." malditang saad nito.






"You bitch!" nagulat ako sa biglang paghagis ni kian ng tuyo kay allison.







"Eww! What's this?" maarteng sabi nito. Hinawakan niya yung tuyong galunggong na parang isang mabahong basura.





"Honey. Did you see that? Ang salbahe ng pamangkin mo." sumbong niya kay tyrone.







Nakatingin lang ng masama si tyrone kay kian.





Napatingin ako kay allison na masamang tumingin sakin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa titig niyang iyon.







Ano bang nagawa ko?






*********






Thanks for reading!




A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon