Chapter 57

124K 1.6K 157
                                    




Chapter 57:





MITZY P.O.V




Nandito ako sa hospital pinupunasan ko ang mga labi ni andrea ng basang cotton para hindi manuyot ang labi niya at iyon din ang sabi ng doktor sa akin.




Nagulat ako ng may gumalaw. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi.




Gumagalaw ang daliri ni andrea! Hindi ko alam ang gagawin ko.




"Andrea?" Tinignan ko ang mukha ni andrea. Gumagalaw rin ang mga mata niya.





Tumakbo na ako palabas ng kwarto at tumawag ng doktor.





ANDREA P.O.V





Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan, para akong pagod na pagod.




Anong oras ba ako natulog at bakit parang napuyat ata ako?




Tinignan ko ang kisameng puti.






Nasaan ako?





Inilibot ko ang paningin ko at puro aparato ang nakikita ko na nakakabit sa akin.




Teka? Anong nangyari?



Sinusubukan kong tumayo kaso hindi ko magawa dahil nahihilo ako sa tuwing gumagalaw ako.




May biglang pumasok sa loob kung nasaan ako naroroon at pumasok ang isang babae at doktor.



"Doc, gising na siya." Rinig kong sabi nung babae.




Teka! Pamilyar sa akin ang mukha niya.






Sinubukan ko muling bumangon kaso napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo ako.




"Wag mo munang piliting bumangon kung hindi pa kaya." Sabi ng doktor sa akin.



Lumapit siya sa akin at may pinindot siya sa ilalim ng kama ko. Unti-unti akong umangat ang hinihigaan ko para mapaupo ako.




"Anong nararamdaman mo?" Tanong sakin ng doktor.





Gusto ko siya sagutin kaso nilalamon ng dila ko ang lahat ng letrang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa hitsura ng doktor.




"Sa tingin ko, nagkaroon siya nang trauma dahil sa aksidente."sabi ng doktor sa katabi niyang babae na kasama niya kanina pumasok.






Teka? Trauma? Incident? Two year ago?




Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. Gusto ko sabihin sa kanila na napuyat lang ako at hindi na-trauma.





"Ano po ang dapat gawin doc?" Tanong nung babae.




Pamilyar talaga siya sakin at hindi ko alam kung saan ko siya nakita.




"Lahat ng alaala niya ay nawala. Kaya ipaalala niyo sa kanya. May test pa kami ginagawa sa kanya. At hindi ko masasabi kung may amnesia o wala." Sabi nung doktor sa babae.




Amnesia?




Sinong may amnesia?




Ang daming tanong sa isip ko kaso hindi ako makapag-react.




Wala naman akong amnesia. Naalala ko lahat.




Si mommy at daddy. Papunta kami ng states at...at... Ano nga sunod nangyari? Basta ang natatandaan ko lang ay umiiyak ako kasama ang batang babae na kumakain ng lollipop at sabi ko sa kanya hindi ko siya iiwan at babalikan ko siya.





Anong nakalimutan ko doon?




Kaso si mommy at daddy. Nasaan na sila? Sila ang kasama ko papuntang states.



"Babalik din ako mamaya para sabihin sa inyo ang resulta." Sabi nung doktor.




"Salamat doc." Sabi naman ng babae. Tumango ang doktor at lumabas na.



Lumapit sa akin yung babae at hinawakan ang kamay ko.





"Sis? Naalala mo pa ba ako?..." Naiiyak na tanong sakin nung babae. Nakatingin lang ako sa kanya.





"....yung batang pinangakuan mo na hindi mo iiwan at babalikan mo. Naalala mo pa ba yun sis?..." Umiiyak na wika niya.




Ang tinutukoy niya ba yung batang kumakain ng lollipop?




"...ok lang sis kung hindi mo pa naalala basta ang importante ngayon ay gising kana at alam mo ba dalawang taon na ang anak mo. At inaantay ka. Sa tuwing bibigkasin niya ang mimi ay naiiyak ako kaso ikaw ang hinahanap niya. At hindi ko alam kung paano ipadadama sa anak mo na naaksidente ka nung bagong silang mo pa lang siya." Umiiyak na salaysay niya.




Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang kuwento niya.





Anak ko? Kelan pa?




-------





Thanks for reading!




DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon