Chapter 84

91.4K 1.1K 9
                                    

Enjoy...

......

ANDREA

Pagkababa namin lulan nang sasakyan ay napatigil ako nang makita ko ang isang hardin.

Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang hardin na ito.

"Tara na sa loob, anak." Sabi sa akin nang ginang. Hinayaan ko na lang na tawagin ako na 'anak' ng ginang.

Pumasok na kami sa loob karga ang anak ko.

Pagpasok namin sa loob pa lang ng mansyon ay napahinto ako sa may sala.

Bigla ako nawalan nang balanse dahil sa pagkirot ng ulo kasabay ang paglabas ng mga pangyayari.

Flashback

Takot na takot ako habang papasok sa loob nang mansyon. Hawak-hawak ko ang tyan ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina mommy at daddy na nagdadalang tao ako at hindi ko alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko.

"Andrea, anak?" Tawag sa akin ni mommy. Mas lalo akong namutla nang makita ko ang mukha niya na nakangiti sa akin.

Pilit akong ngumiti. Pinilit ko na itago ang takot at kaba ko.

"M-mommy." Nauutal na tawag ko dito at ngumiti nang pilit sa kanya.

Napansin naman niya na tila na kinakabahan ako.

"Are you okay, anak? You look nervous. May problema ba?" Sunod sunod na tanong nito.

"A-ah wala po m-mommy. P-pagod lang p-po ako. Sige po, akyat na po ako sa kwarto." Kahit nauutal ako ay pinilit ko magsalita nang maayos.

Pagka-pasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo para dumuwal. Nakaramdam ako nang pagkabaliktad ng sikmura ko.

At dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko isara ang pinto.

Habang sumusuka ako sa loob ng banyo, hindi ko namalayan na nakasunod na pala si mommy sa akin.

"What is the meaning of this, andrea?!" Narinig kong tanong nito.

Napatingala ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagpula nang kanyang mukha dahil sa galit.

"M-mommy?" Natatakot na tawag ko sa kanya.

"Answer my question, andrea! Are  you pregnant?!!"

Kahit natatakot ako ay pinilit ko tumango kasabay nang pagtulo nang luha ko.

"I'm sorry, mommy." Umiiyak na hinging patawad ko.

"My god, andrea. What you have done!!" Tili ni mommy sa akin.

Umiiyak lang ako sa gilid ng banyo.

"Sino ang ama?" Seryosong tanong nito.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano sasabihin na 'hindi ko alam kung sino ang ama.'

Nang hindi ako makasagot ay naglakad ito papuntang pinto nang kwarto ko. Pero bago ito lumabas ay may iniwan mo na siyang salita na nagpadagdag sa takot ko.

"Start packing your things." Seryosong wika nito at binalibag ang pinto.

Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan an ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ko.

Kahit masakit sa akin ay nagligpit ako. Kinuha ko ang mahahalagang gamit ko at inilagay sa isang bag.

Pagkababa ko sa sala ay naabutan ko si daddy. Kakarating lang nito galing sa opisina. At nang makita niya ako ay matalim itong nakatingin sa akin habang si mommy ay nasa sala at nakaupo sa sofa. Mukhang alam na ni daddy ang totoo.

Lumapit ako kay mommy.

"Mommy. I'm sorry. Please, don't do this to me." Umiiyak na tugon ko.

Kinalas ni mommy ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Get out of this house, andrea until I can control myself."sabi ni mommy.

"Mommy, plea-----

Sinampal niya ako ng buong lakas.

"LUMAYAS KA DITO!! Wala kang kwentang anak!" Sigaw sa akin ni mommy.

"Please mommy, i'm begging you." pagmamakaawa ko kay mommy.

Kahit umiiyak ako ay pinilit ko pa rin ang magmakaawa sa kanila.

"Get out NOW! Wala akong anak na disgrasyada! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko?! Na may anak akong disgrasyada! Lumayas kang malandi ka! LAYAS!!!" Tulak sa akin ni mommy palabas ng pinto. Tumingin ako kay daddy, tingin na nagsusumamo. Sana man lang kahit si daddy maawa sa akin.

"Dad, please. Give me second chance." umiiyak na sabi ko.

"Palaglag mo yung bata and i'll give you second chances." malamig na sabi sa akin ni dad.

Nanlamig ako sa sinabi ni daddy.

"Hindi ko kaya daddy------

"Then go." Malamig na sabi ni daddy.

Kahit masakit sa akin ay naglakad ako palabas ng mansyon na umiiyak.

END OF FLASHBACK.

"Andrea, anak!" Napatili si mommy nang makitang napahawak ako sa pader.

"Anong nangyari sa iyo, anak?" Nag-aalalang tanong sa akin ng ginang.

Tumingin ako sa ginang. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Kung ganoon, kayo ang magulang ko." Mahinang sambit ko.

Naguguluhan na tumitig siya sa akin.

Sino sina Kimiel Briones at Alyana Briones?

Bakit sila ang kinikilala kong mga magulang?

Kung ang mga magulang ko naman ay sina Veronica Sanchez at Vincent Sanchez?

Sino ba talaga?

........

Thanks for reading!

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon