Chapter 15
Tinanggal ko yung study table na nakaharang sa pinto at binalik sa dating pinaglagyan.
Lumabas na ako ng kwarto, walang anino maski nino ang nakikita ko. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para magtimpla ng gatas.
Umupo ako sa isang stool at ininom ng dahan-dahan yung gatas. Kinuha ko naman yung cellphone ko at naglaro muna ng pineapple pen.
Iinom na sana ako ng gatas ng maamoy ko na naman yung pamilyar na pabango. At alam ko na kung kanino 'yon.
"I'm sorry." sabi nito. Pero hindi ko siya pinansin at itinuloy pa rin yung laro.
Ininom ko yung gatas ng isang lagukan at inilagay sa hugasan. Paalis na sana ako ng hinawakan niya yung braso ko paikot para mayakap ko siya.
"I miss you, kim." narinig kong sabi niya.
"Ano ba?! Hindi ako si kim." inis sabi ko sa kanya at pilit ko siya itinutulak palayo.
"Please, stay with me." rinig ko pa'ng sabi niya. Naramdaman ko naman na may mainit na likido sa balikat ko.
Inamoy ko yung leeg niya, amoy alak siya!
"Tyrone." sabi ko at itinulak siya pero ayaw niya kumalas sakin.
"Please, I'm begging you kim. Stay with me." sabi niya at humikbi ito.
"Hindi ako si kim, tyrone. Ako 'to si andrea." sabi ko sa kanya.
"No! It's you kim! Your smell, your smile, your beautiful face. That's you." sabi niya.
"Tyrone, lasing ka lang." sabi ko sa kanya.
"Hindi ako lasing! Ikaw yung babaeng kinalimutan ako!" sabi niya at inihagis sa kawalan yung hawak niyang bote ng alak.
Boogshh!! Blaggg!!!
"TYRONE!!" Sigaw ko sa kanya.
Tumingin siya sakin, ang pungay ng kanyang mga mata.
"Damn, I miss you!" sabi niya at hinalikan ako ng marahas!
"Hmm!!! Ano ba--- mmm!!! Tyrone!!! Ano---hmmm!! Please."
Tinudo ko yung pagtulak ko sa kanya para makalas ako sa kanya at sinampal ko siya ng buong lakas at saka ako umakyat sa kwarto ko st iniwan siyang mag-isa.
Humiga ako sa kama, pinunasan ko yung labi ko gamit yung kumot. Pinikit ko na lang yung mga mata ko at pilit na matulog.
"Mom, dad. Wake up! Please!!!"
Napabalikwas siya ng bangon. Hindi maganda ang napaginipan niya. May apoy, may dugo, at may dalawang taong nakahandusay sa kalsada at nakita niya ang kanyang sarili na umiiyak.
Siya, siya yung batang babae na nakaupo sa isang tabi tulala st may benda sa ulo. Anim na taon lamang siya noon pero nagising na lang siya na may benda sa ulo at walang natatandaan sa nangyari.
Ang weird ng pangyayari, hindi niya maintindihan ang panaginip na iyon. Pero isang bangongot ang panaginip na 'yon.
Tumingin siya sa oras, 3:01 am pa lang ng umaga.
Bumalik ulit siya sa pagkakatulog at pinilit ulit ang sarili na matulog...
*****
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
Storie d'amoreHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...