Chapter 32

129K 1.7K 92
                                    




Chapter 32:





8:00 na ng umaga pero hindi pa rin ako naghahanda. Namumugto na rin ang mga mata ko kakaiyak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang idadahilan ko kay tyrone pagnakita niya na namumugto ang mga mata ko.




TOK! TOK!




"Andrea?" narinig kong tawag ni tyrone. Agad-agad akong pumasok sa bathroom. Narinig ko namang bumukas yung pintuan ng kwarto.




"Andrea? Where are you?" narinig kong boses niya pa. Binuksan ko yung shower para kunyare naliligo ako. Bahala na kung mabasa ako.




"T-tyrone?" naiiyak na tawag ko sa kanya.




"Andrea? Hindi kapa tapos maligo." Narinig ko pang sabi niya.




"ahm... Oo e. Aahaha!!! H-hintayin mo na lang ako sa baba." sabi ko sa kanya.




"Ok. Hihintayin kita." sabi niya at narinig ko ang mga yabag niya palabas.



Dahan-dahan akong napaupo sa tiles.




Hihintayin kita



Hihintayin kita



Hihintayin kita





Ilang tangang babae na ba ang umasa sa salitang 'yan?




Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng ganito? Hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito?!




Kahit basang-basa na ako ng shower, pinunasan ko pa rin ang mga luha ko at saka naligo.




Lumabas na ako ng banyo, at naabutan ko doon ang isang polong puti at short shorts.




Kinuha ko yung polo, amoy pa lang alam ko na kung kanino galing. Kinuha ko yung short hindi rin mahaba o maikli. Tamang-tama para sa long legs ko.





Sinuot ko yung damit na nakuha ko. Kumalma ang pakiramdam ko ng maamoy ko ang pabango ni tyrone. Bakit kaya niya pinasuot sakin yung polo niya?





Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at humarap sa salamin. Namumugto yung mga mata ko pero naglagay na lang din ako ng pulbo at unting lipgloss nagsuot rin ako ng rubber shoes addidas na superstar na black and white.





Bumaba na ako kaso walang tyrone akong naabutan sa sala.




Nasaan kaya ang lalaking 'yon?





"ATE KIMMM!!!!" Napalingon ako sa batang lalaki na tumatakbo papunta sakin galing sa playroom.






"KIAN!" sabi ko at sinalubong ang yakap ni kian.



"Hello little girl! Kuya's here." kausap naman niya sa tyan ko.




Girl? Paano niya nasabi?





Tumingin ako kay tyrone na kalalabas lang ng playroom.





"Anong ginagawa ni kian dito?" tanong ko sa kanya.





"I don't know. Pagkababa ko kanina nasa sala na siya e." sagot naman niya.




"Ah ok." nasabi ko na lang.





"Ate kim. Sama ako." pagpapa-cute na saad ni kian. Ngumiti ako sa bata. Hindi ako sanay na tinatawag niya akong kim.




At hindi ko alam kung bakit na tinatawag niya akong 'Ate Kim'





"Sure." Nakangiting sabi ko sa kanya.




"Kian, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi siya si kim? Andrea ang pangalan niya! Not kim!" nakabulyaw na sabi ni tyrone.



"It's ok. Tyrone. Bata lang yan." pagpapahinahon ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.





"Bakit namumugto 'yang mga mata mo? Umiyak kaba?" sunod-sunod na tanong niya. Yumuko naman ako.




"N-nalagyan ng sabon." pagsisinungaling ko.




Tumango na lang siya at saka lumabas, sumunod naman kami ni kian palabas habang nakahawak sa kaliwang kamay ko.





Sumakay si kian sa backseat, ako naman sa passenger seat. Pinagbuksan ako ni tyrone ng pinto at inalalayan ako makapasok.




Umikot naman si tyrone sa driverseat at saka kami umalis papuntang mall.





********




Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon